Zhykher pov Hindi na sumama sa trip namin sina Tito Marcus, Tito Clayford, tita Jessica at Sylvia dahil umuwi na sila ng Canada. Next time nalang daw sila makikipag-bonding. Dahil private airplane ni Queen ang sinakyan namin dumiretso na kaagad kami sa Engineer's Paradise Island. Naabisohan na naming magkakaibigan ang bawat katiwala namin na linisin at maghanda para sa aming pagdating. Excited na akong ipakita sa mga magulang ko, kapatid, grandparents, pinsan at sa pamilya ng asawa ko sa unang pagkakataon ang favourite place naming magkakaibigan. Kinakabahan ako baka hindi nila magustuhan. Mula ng naging busy ako sa Singapore hindi ko na nabisita ang bahay sa EPI. Mas lalo pa daw na pinaganda ang buong island nina Queen, Clearose at Gracey. Isang bagay na kinasasabikan ko na ring makit

