Unang araw ko sa company ni Afsheen. Maaga ding dumating si Sheen para ipakilala ako sa lahat. Temporary substitute lang ako, pero kapag kabisado ko na ang pasikot-sikot sa kompanya pwedi akong mamili kung saang section ko gustong magpa-assign. Na amazed daw siya sa sinasabi ni tatay na mas magaling ako sa automotives kaysa sa kanya noong binigyan niya si tatay ng talyer. Hambog talaga itong tatay ko, wala naman akong certificate sa pagiging mekaniko. Paano nalang kapag hinahanapan ako ng certificate ng mga katrabaho ko eh di nganga ako. “Good morning everyone! I want to introduce to you my friend here as your new colleague. She will be the temporary replacement to our automotive engineer. Since Mr. Bernal is on leave dahil pansamantala na nagpapagaling pa ito sa kanyang karamdaman. She

