Batangas Racing Circuit.... Araw ng racing competition ni Alvin narito kami sa itaas para makita namin ng maayos ang laban niya. May cellphone ang anak ko kaya siya na ang bahalang kumuha ng video sa papa niya. May telescope silang dala kaya makikita nila ng malinaw sa field ang ama nila. Nakita kong ready na si Alvin at may magandang babae na nag-aayos ng kanyang sinusuot. Tumingala ito sa itaas na parang hinahanap niya ang kinauupuan namin. Kumaway ang tatlo kaya nakita niya kaagad ang kinauupuan namin. Di nagtagal tinawag na silang lahat para maghanda sa laban. Humalik sa kanyang labi ang babae at tumawa pa ito. Lumingon siya sa kinaruruonan namin kaya agad akong nagpanggap na busy sa cellphone. Ito na yong sinasabi nina Marie at Jhin. Bakit parang masakit sa akin ang aking nakikita

