Zhykher pov Sobrang na stress ako nitong nakaraang araw at linggo. Isa na ang iniiwasan ako ni Lessery mula ng halikan ko siya. Nakakawalang gana at sigla ang kanyang pag-iwas sa akin. Nami-miss ko ang makulit na Lessy na kumokompleto sa araw ko. “ ikaw naman kasi binigla mo”...kastigo ng kabila kong utak. Malapit ng matapos ang project ko kaya pusposan kong pinagtuunan ng pansin. Halos hindi na ako makakain ng umagahan at ang haponan naman ay hindi ko na rin nakakain. Baka iniisip na ni Lessy na galit ako. Sobrang pagod lang talaga ako pag-uwi sa gabi kaya wala na akong ganang kumain. Sa katunayan nga minsan hindi na ako makapagpalit ng damit pangtulog dahil agad na akong humilata sa aking kama at nakatulog. Isa pa ang anak ni mayor parang linta na buntot ng buntot. Sobrang busy nga ak

