MISKIE’S POV Maaga akong nagising kahit na madaling araw na rin ako natulog at ilang oras lang ang naging tulog ko. Bumangon ako at dahan dahang lumabas, medyo madilim pa dahil alas kwatro palang ng madaling araw, naupo lang naman ako sa dalampasigan habang nakikinig ng music. May iilan na rin namang mga tao at madalas ay mga couple. Nang nagliwanag na ay nag ikot ikot ako para kumuha ng mga litrato, naglalakad ako ngayon at papasok na sana ng matigilan dahil nakita ko si Synesthea na agad kumuha ng bato at akmang hahampasin ang lalakai. Napalapit ako doon pero agad ding napatigil ng makita ko si Calyx na mabilis na pinigilan si Synesthea. "Qu'est-ce que tu fais à ma copine, monsieur?" (What are you doing to my girlfriend, sir?) . Napatigil ako dahil sa sinabi ni Calyx, nakakaintindi ak

