MISKIE'S POV Taka akong napalingon kay Calyx dahil sa sinabi niya. “What do you mean?” Tumigil ang sasakyan at doon ko lang napansin na nasa The bar na pala kami. Bumaba si Calyx at pinagbuksan ako ng pinto, gusto ko sanang tanungin siya ulit pero agad ng nagkumpulan ang mga tao doon para kausapin si Calyx. Lalapit na sana ako kay Calyx para sabihin na mauuna na akong pumasok pero may biglang humila ng kamay ko at isinandal ako sa likod ng sasakyan. Gulat akong napatingin kay Carter na nakangisi at nasa labi ang hintuturo at sinasabing h'wag akong maingay. “We will proceed our plan, are you ready?” Napatitig ako sa kanya at inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Taka naman itong napatingin sa akin pero hinayaan lang ako. “I tried to confess but just I expected he will reject me. I will

