CALLY'S POV "Do you really believe that I like her, Vincent?" Napasilip ako at buti na lang ay marami ang tao kaya hindi rin nila ako mapapansin, nakita ko ang pagtigil ni Vincent at ang paglingon nito kay Calyx na may ngisi sa labi. "I'm just joking, Cal." Hindi na nakapagsalita si Calyx ng agad na siyang iniwan nito bago pa maibuka ni Calyx ang bibig. Bago pa makalis si Calyx ay agad na akong tumakbo palapit sa kanya at inakbayan siya, mukhang wala ito sa sarili at tsaka lang nabalik sa reyalidad ng umakbay ako sa kanya. Masama naman ako nitong tinignan na parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. “Are you going back to your condo?” Iritado niyang tinanggal ang pagkaka-akbay ko sa kanya. Ngumisi lang naman ako at hinayaan siya at sinabayan na lamang siya habang naglalakad na palabas

