MISKIE’S POV Napatigil ako sa pag swimming ng makita ang papalapit na si Calyx sa amin. Ramdam kong tagos ang tingin nito at kay Synesthea siya nakatingin na ngayon ay biglang umahon ng makita si Voughn na naglalakad. Nang makalapit sa akin si Calyx at napatingin ako sa kanya habang ang mata niya ay nanatiling sinusundan ang tumatakbong si Synesthea. “Are you okay?” Nawala ang tingin niya kay Synesthea dahil sa tanong ko sa kanya, nakangiti siya ngayon sa akin pero alam kong hindi totoo ang ngiti na ibinibigay niya sa akin. “Why are you asking?” Nakangiti nitong tanong sa akin. Bumuntong hininga ako at napatingin kay Synesthea at Voughn na nag uusap at mukhang sinusubukang halikan ni Synesthea si Voughn, dahil sa pag lingon ko doon ay napalingon naman ulit doon si Calyx at kitang kita

