MISKIE'S POV Maaga akong pumasok at halos wala pa gaanong katao-tao dito ngayon. Tinext ko na rin sina Synesthea-girl at Hillary-girl para pumunta na sila dito. Nakinig na lang ako ng music habang nakatingin sa labas at naghihintay sa kanila. Sa sobrang dami kong iniisip kagabi ay hindi ako gaanong nakatulog, ilang oras lang ata ang tulog ko at kahit anong gawin ko ay hindi iyon maalis sa isipan ko. Ang dami dami kong iniisip, kung ano nga ba ang nangyari kay Carter at sa ex girlfriend niya, dumagdag pa iyong sinabi niya na kamukha ko iyong ex girlfriend niya kapag umiiyak. Kung alam ko lang na iisipin ko ito ng ganito ay sana ay nagtanong na ako sa kanya kagabi noong hinatid niya ako. Iniisip ko rin kung sino iyong babaeng nagugustuhan ni Calyx dahil wala talaga akong idea. “You're ea

