MISKIE'S POV Matagal na nakatitig sa akin si Calyx bago lumunok ng ilang beses bago tumango. Nagulat pa ako sa biglaan niyang pagtango dahil ang akala ko ay dahil matagal siyang natigilan ay iniisip niya kung paano niya irereject ang offer ko. “Really?” Hindi ko maitago ang kasiyahan sa boses ko, tumango naman siyang muli sa akin pero seryoso akong tinitigan. “But it's not my responsibility if one day you will get hurt because of this.” Ako naman ngayon ang napatitig sa kanya. Alam ko una palang bago ko sinimulan ito, alam ko na agad na masasaktan ako. Hindi ako handa pero alam ko kung ano ang magiging ending nito hinihiling ko na lang sana na may himalang mangyari at mabago iyon. Ngumiti ako sa kanya, nanatili parin ang seryoso nitong tingin sa akin. “Sure, you don't have to take res

