MISKIE'S POV Dahil na rin sa tinagal naming magkasama ni Synesthea ay natanggap ko na ang malaki naming pinagkaiba. Mahal ng lahat si Synesthea kahit ano pang gawin niya o kahit wala siyang gawin ay mamahalin siya ng lahat pero ako, kailangan ko pang maging mabait sa mga tao para mahalin din nila ako. Lagi rin akong second choice, sa tuwing may nagugustuhan ako noong bata ako laging si Synesthea ang gusto nila noong una ay nainis ako kay Synesthea dahil doon pero kahit na ganoon ay pinagtatanggol parin ako ni Synesthea sa mga taong nang aaway sa akin. Alam ko namang hindi kasalanan ni Synesthea na maraming taong nagkakagusto sa kanya, bakit ko nga ba naisip na sa halos araw araw na nangyayari sa buhay ko ay exemption si Calyx sa mga taong magkakagusto kay Synesthea? Agad ko ng pinunas

