Roel’s POV Maaga pa lang, ramdam ko na ang excitement ng buong school. It’s Monday, the first day of Foundation Week, at alam kong magiging busy kami sa booth. As I approached the school grounds, nakita ko agad ang mga makukulay na booths na itinayo ng iba’t ibang sections. Bawat isa ay may kanya-kanyang theme, at halatang pinaghandaan ng lahat ang kanilang presentations. This week is going to be intense, pero iba rin ang thrill na nararamdaman ko. Pagpasok ko sa campus, narinig ko agad ang mga tawanan at kwentuhan ng mga estudyante. Parang isang malaking fair ang buong lugar, na may halo ng excitement at competition sa hangin. Habang naglalakad ako papunta sa booth area namin, nakita ko ang mga kaklase kong abala na sa pag-aayos. Si Anna Marie, masaya at animated na nakikipag-usap kay M

