Matapos ang isang linggo. Natapos na rin ang parusa ko. Pinaligo na nila ako at binigyan ng damit, dahil ang baho ko na raw. Isang linggo akong nandito. Isang linggo rin akong walang ligo, langya naman napakabaho ko. Buwisit na lalaking 'yun, hindi ako pinayagan maligo. Pagtapos ko maligo umupo ako sa isang upaan na may mga mibs na nakabantay sa akin. Sinabi na rin nilang hintayin ko na ang monster. Ilang minuto na akong nakaupo nang dumating ang monster. Ang tagal niya, ang sakit kaya sa puwet umupo. Nakangisi pa ito na tumingin sa akin, nakakabuwisit talaga mukha niya parang demonyo. Tumayo naman ang mga kasama ko at nag-bow rito. A "Magandang araw, Boss Klayt!" bati nila. Hindi manlang bumati si Klayt, lumapit ito sa akin ng may ngisi sa labi. Tch... bakit ba ang hilig niyang ngumisi,

