CHAPTER2 BIDDING

1022 Words
Nagsimula na ang auction, rinig ko ang ingay sa ginaganap na event. Kabado na rin ako dahil nakikita ko mga taong nanrito na karamihan ay matatanda. "10 million!" sigaw ng isang matanda. Halata mong manyakis, wala akong makitang med'yo bata pa, parang halos lahat matatanda. Isa isa nang isinalang ang mga babae. Hanggang sa ako na ang isasalang, lumapit sa akin ang dalawang lalaki na tauhan ng matandang babae hinawakan ako nito sa braso. Gusto ko pumalag pero anong laban ko sa kanila? Para silang mga sumo wrestler sa laki ng mga katawan nila. "And now, our star of the night!" Pagkasabi ng emcee dinala na ako ng tauhan nito sa unahan at iniwan. Napaiyak ako dahil sa takot, gusto kong tumakbo pero saan? Eh ang buong paligid nito ay sobrang daming bantay. "Ang ganda n'ya 'di ba? T'yak akong masarap sa kama ang katulad n'ya! Syempre Birhen pa ang babaeng ito! Gusto n'yo na ba masubukan s'ya sa kama?" Tanong ng emcee nagpalakpakan at naghiyawan naman ang mga taong nandito. Nakakadiri ang sinasabi n'ya sobra akong nahihiya. Alam kong pulang pula na ngayon ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. "Dahil ang dami ng hayok na matikman ang napakagandang dalagang ito! Umpisahan na'tin sa 20 million!" May nag taas agad ng kamay, isang matanda malaki ang mata. Halata mo ang pagkahayok nito sa babae. Ang tanda na nila hindi ba sila nahihiya sa balat nila? "Wala na ba?" Tanong ng emcee. "40!" Sigaw ng isang matanda ulit na lalaki. Puro matanda ang nag-bid sa akin, nakakadiri sila. "50!" sigaw nang isang matanda, mahahalata mo rito ang pagka-manyak nito. "55!" "60!" "Wala na bang itataas?" "70!" sigaw ng isang matanda. Jusko Lord huwag naman sana matapos dito ang presyo ko, dahil sobrang tanda naman nito ang payat pa. Baka isang ihip na lang ng hangin tangayin na ito. "Double!" Sigaw ng emcee. "800! " rinig kong sigaw ng isang lalaki na hindi pa katandaan. "O--h W--ow higher? Wala na ba?!" Ilang sandali pa ang hinintay ng emcee kong may magtataas pa ng kamay para doblehin ang 800. Pero ilang sigundo na ang lumipas wala pa rin nagtangkang taasan. Tinignan ko ang lalaki, nakita kong parang hindi ito masamang tao. "This girl sold to 800 million by Mr. Korizaki!" Ani ng emcee na tuwang tuwa dahil ang laki nang kinita nila sa akin. Mga kilalang tao pala ang mga taong pumupunta dito. Hinila na ako ng mga tauhan ng matandang babae sa taong nakabili sa akin. "Have a sit!" Ani ni Mr. Korizaki. Tinignan ko ito, mukha naman na walang masamang gagawin ang Mr. Korizaki na ito kaya't umupo ako sa tabi nito. Tinignan ko ang mukha nito, sa aking palagay hindi ito ang taong may masamang gawa, hindi katulad ng mga matatandang naririto na animo'y hayok sa laman. "Thank you everyone for participating and enjoy the party!" Sigaw ng emcee bago ito umalis sa unahan. Napabuntonghininga ako habang nakatingin sa ibaba. Wala na ito na talaga ang kapalaran ko. "Kumain ka!" Ani ng lalaki. Tinignan ko ang inaabot nitong pagkain, nakakain pa sila sa lagay na'yan? Kahit alam nilang may naganap na ilegal na bentahan ng mga babae. Umiling ako at hindi tinanggap ang pagkain. Napabuntong-hininga ito at s'ya na lang ang kumain nang pagkaing inaalok nito. Pinagmasdan ko ang mga taong na sa paligid na. Siyang siya sa nagaganap na party. May nag-iinuman may nagsasayaw. Nang tumugtog ang romance song inaya ako nitong sumayaw. "Puwede ba kitang isayaw?" Tanong ng taong nakabili sa akin, Wala naman akong magagawa. Hindi ako puwedeng tumanggi baka magalit s'ya at patayin ako. Pumunta kami roon sa gitna, at hahawak pa lang sana ako sa batok nito ng pigilan ako nito. "Wait! Stay here. Pupunta lang ako ng cr!" Aniya tumango na lang ako. Habang hinihintay ko siyang bumalik may isang lalaki ang lumapit sa akin. "Sumayaw tayo!" Walang emosyon na sabi nito. Hinila nito ang kamay ko at siya na ang nag lagay sa batok nito. Hindi ako nakatanggi dahil sa kakaibang awra na bumabalot dito. Gusto ko man tumanggi baka magalit ang taong bumili sa akin pero mas nakakatakot ang lalaking ito. Habang sumasayaw kami, nakatitig lang ito sa akin. Nanlalamig tuloy ang kamay ko dahil sa kaba. Hindi ako makatingin rito nang maayos dahil sa pagtitig nito sa akin. Panaka-naka ko lang s'yang sinusulyapan. May perpekto itong mukha, may magandang ilong may mapupulang labi. May magaganda itong mata pero wala naman itong emosyon. Nagulat ako nang bigla nitong ilapit ang mukha sa akin, hanggang sa mag lapat ang mga labi namin. Hindi agad ako nakagalaw sa gulat. Nang bumitaw ito sa halik inilagay naman nito ang. Bibig nito sa tenga ko't may ibinulong na nagpataas ng balahibo ko. "You're mine, Woman... " Bulong nito at lumayo na sa tenga ko. Ngumisi pa ito sa akin, sinamaan ko ito nang tingin dahil mali ang halikan ako nito dahil hindi siya ang taong bumili sa akin. Tinulak ko ito at binigyan nang isang malakas na sampal. "f**k!" Malutong na mura nito. "Hindi mo ako pag-aari!" Ani ko dito at umalis na. Hinanap ko ang taong bumili sa akin, natagpuan ko ito sa kinauupuan nito kanina. Gosh! Nakakahiya pinapanood niya kami baka magalit ito. Baka kung ano pa ang isipin nito sa akin. "Bakit mo siya iniwan?" Tanong nito sa akin. Nakakataka naman dahil hindi ito nagagalit. "He kissed me! At sinabihan niya akong pag-aari niya!" Ani ko. Para akong batang nag susumbong sa nanay. Natawa ito nang bahagya, Anong nakakatawa sa sinabi ko? "Kung maaari balikan mo ang taong 'yon at humingi ka ng pasensya!" Aniya. Tinignan ko ito kung seryoso ito, seryoso nga siya sa sinasabi niya. Siya ang bumili sa akin pero bakit niya ako pinapasa sa ibang lalaki. Hindi ako hihingi nang sorry sa taong kumuha ng first kiss ko. "Ayoko, Hindi matino ang lalaking iyon!" Ani ko. "Okey!" Aniya 't nanahimik na. Pinag masdan ko na lang ang mga taong nagsasayaw. Nang maramdaman kong may umupo sa bakanteng upuan sa isang side ko. Kaya napatingin ako dito, at siya na naman ang lalaking nagnakaw nang unang halik ko. Bkit ba siya nandito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD