Chapter 9: Sway

1290 Words
Naglalakad si Katerina pauwi sa kanyang tinutuluyan galing sa bahay ni Mira. Ang babae ang kanyang naging matalik na kaibigan simula ng makarating siya sa isla. Mabait si Mira at prangka kung magsalita kaya niya nakapagpalagayan ng loob ang babae. Para bang kasama pa rin niya ang bestfriend na si Wilma dahil may pagkakatulad naman ang dalawa. "Katerina." Mula sa naglalakbay na diwa, bumalik siya sa kasalukuyan at napalingon sa tumawag sa kanyang pangalan. Nakita niya si Rico na nakatayo sa may puno ng niyog malapit sa kanya. Napagtanto niya na matagal na pala niyang hindi nakakausap ang lalaki. Ang huling beses ay noong nagkayayaan silang maligo at muntik na siyang malunod. "Rico," bati niya rito ng makalapit siya. "Kumusta?" "Ayos lang, ikaw kumusta? Gumaganda ka yata sa bawat araw na nakikita kita," anito na ikinatawa niya. "Ayos lang din naman," tugon niya. Napansin niya na parang balisa ang binata kaya napagpasyahan niya itong tanungin. "May problema kaba Rico? Ba't parang 'di ka mapakali?" "Uhm… K—kasi… iimbitahan sana kitang mamasyal sa bayan mamaya," nahihiyang sagot nito at napakamot pa sa ulo. "May sasabihin kasi ako sayo." Napakunot ang kanyang noo. "Ganun ba? Bakit hindi mo na lang sabihin ngayon? Tutal nandito namana ako diba?" Hilaw na ngumiti sa kanya ang lalaki, "...hindi kasi pwede ngayon eh," saad nito kaya lalo siyang naguluhan at napaisip kung gaano ba kaimportante iyon. Kung wala lang sana silang usapan ni Achilles mamaya ay hindi siya mag aatubiling sumama rito. "Pasensya kana Rico pero hindi talaga ako pwede eh," magalang niyang tanggi. Nakita niya ang paglungkot ng mga mata ng lalaki. "B—bakit naman?" "May lakad kasi ako," aniya. Sandaling hindi nagsalita si Rico pero napansin niya ang pagtagis ng bagang ng binata. "Si Achilles ba ang kasama mo?" Biglang tanong nito. She blinked twice. "Paano mo nalaman?" Kunot noo pa niyang tanong. Biglang tumalim ang mga mata nito at galit siyang hinarap. "Sabihin mo nga sa akin Katerina, may gusto ka ba sa kanya?" Mas lalo lang lumalim ang gitla sa kanyang noo dahil sa tono ng pananalita nito. Ano kayang nakain ng lalaki at ganito kung nakipag usap sa kanya? "Oo, may lakad kami at kung meron man o wala akong gusto kay Achilles ay nasa akin na iyon Rico at wala ka ng pakialam pa doon," saad niya sa mababang tono subalit may diin ang bawat kataga. Hangga't maaari ayaw niyang makipagtalo sa lalaki dahil hindi naman ito kasali sa kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Achilles. "May pakialam ako Katerina," matigas na saad ng binata. "Ano bang pinagsasabi mo?" Nagsimula na siyang maguluhan sa inaasta nito. Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "Hindi ko pa sana sasabihin to pero sa tingin ko ay hindi ko na kakayanin. May gusto ako sayo Katerina. Matagal na. Simula ng dumating ka dito ay gusto na kita pero hindi ko lang sinabi agad sayo dahil baka manibago ka at iwasan mo ako. Ang bait bait mo pa sa akin kaya akala ko ay nagkakaintindihan na tayo," pag-amin nito. Nanlaki naman ang kanyang mata. Totoong mabait siya sa lalaki simula ng tumapak siya sa isla pero walang ibig sabihin ang lahat ng iyon. Walang pangit na ipinakita ang lalaki sa kanya at pati ang mga magulang nito. Pilit siyang ngumiti. "Pasensya kana Rico kung binigyan mo ng kahulugan ang kabaitan ko sayo , pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay. May iba akong gusto Rico, at ayaw ko na paasahin ka," prangka niyang turan. She doesn't wanna sugarcoat her words dahil mas masasaktan lang ang lalaki pag yun ang kanyang ginawa. Bagsak ang mga balikat nitong nag-angat ng tingin. Halo-halo ang emosyon na naglalaro sa mga mata ng lalaki. "Si Achilles ba ang gusto mo Katerina?" Bakas ang hinanakit sa boses nito. Napalunok naman siya habang nakatitig dito. Ayaw niyang magsalita tungkol doon. Hindi pa nga siya nakakaamin kay Achilles sa tunay niyang saloobin at dapat ito ang unang makaalam sa nararamdaman niya at hindi si Rico. Mahinang natawa at napailing ang lalaki na para bang hindi ito makapaniwala sa napagtanto. "Bakit siya pa? Bakit siya, gayong hindi mo naman siya lubos na kilala?" Mariin siyang napapikit. Sa tingin niya ay hindi naman siya dapat makipag usap kay Rico ng tungkol kay Achilles at wala siyang dapat na ipaliwanag dito. Hinilot niya ang kanyang sentido dahil parang sumakit yata bigla ang ulo niya. "Problema ko na iyon Rico. Kung wala ka ng ibang sasabihin ay aalis na ako," aniya at tinalikuran na ang binata. "Ayaw mo bang pag-usapan kasi natatakot ka?" Pahabol nitong tanong na nagpatigil sa kanya. Naglakad naman si Rico at huminto ilang dangkal ang distansya mula sa kanya. "Paano kung nagpapanggap lang siyang walang maalala para pagsamantalahan ang kabaitan mo?" Anito na nagpakulo ng kanyang dugo. Naiinis siya sa mga walang kabuluhang pinagsasabi nito tungkol kay Achilles. "Tumahimik ka bago pa ako tuluyang mawala ang respeto sayo," puno ng pagbabanta niyang asik. Ngumiti lang si Rico na wari ay natumbok nito ang kahinaan niya. "Mataas ang tingin ko sayo, hindi ko akalain na ganun ka pala kabilis bumigay sa taong wala kang kasiguraduhan," pang-iinsulto pa nito sa kanya. Sumulak ang kanyang galit at nasampal niya ang binata. Tumabingi naman ang pisngi nito nang tumama ang kanyang mabigat na kamay dala ng hindi niya mapigilang emosyon. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan dahil una sa lahat, hindi mo ako kilala! Sino ka nga ba sa buhay ko hah!" Gigil niyang anas. Hinilot ng lalaki ang nasaktang pisngi nito. "Eh siya kilala mo ba? Sino kaba sa buhay niya? May pinangako na ba siya sayo na panghahawakan mo?" Hindi siya nakasagot sa mga tanong nito. Tumagos hanggang buto ang punto ng pinagsasabi ng lalaki. Oo nga at araw-araw silang magkasama, magkasalo sa makamundong ligaya, matutulog ng magkayakap at gigising sa piling ng isa't-isa subalit hindi siya kailanman sinabihan o tinanong ni Achilles sa tunay na estado kung ano sila. Kahit ang mga katagang inaasam niyang marinig ay hindi nito nasambit kahit isang beses man lang. "Sigurado kaba na Achilles talaga ang pangalan niya? Paano kung dumating ang araw na hindi pala siya gaya ng inaasahan mo? Anong gagawin mo Katerina? Makakaya mo ba na dumating ang araw na malalaman mong may mahal pala siyang iba o kaya ay kasal na? Paano kung ginagawa ka lang niyang pampalipas oras dito haba—," "Enough!" Sigaw niya at unti-unting nagtaas baba ang kanyang dibdib dala ng samu't-saring emosyon na kanyang nararamdaman. Inis—para sa lalaki sa kanyang harapan. Takot—na maaaring tama ang sinasabi ni Rico. Galit—para sa tadhana kung may balak mang paglaruan siya. Ilang butil ng luha ang kumawala sa kanyang mga mata. "Hindi ko sinasabi ito para lang sa akin Katerina, pasensya kana. At sana ay hindi ka magsisi pagdating ng panahon dahil pinili mo siya," mga huling katagang sinabi nito bago siya tinalikuran at umalis. Nanghihina naman ang kanyang tuhod nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Rico. Kinalma niya ang kanyang sarili bago napagpasyahan na umuwi para mag-ayos ng sarili. May usapan sila ni Achilles na magkita ngayong hapon. Habang nag aayos ay pilit niyang iwinaglit sa isip ang posibilidad na tama ang mga pinagsasabi ni Rico pero wag naman sana. Iniisip niya pa lang ay naiiyak na siya, paano na lang kaya kapag nagkatotoo na? Suot ang isang white floral dress, lumabas na si Katerina ng bahay upang puntahan si Achilles sa lugar na sinabi nito sa kanya. Nagmamadali niyang tinahak ang daan patungo sa lumang cottage. Nang makarating siya sa lugar ay isang normal at sirang cottage lang naman ang naroon subalit nag uumapaw sa kilig ang kanyang puso nang makita niya ang sinasabing sorpresa ni Achilles sa kanya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD