Chapter 1

2567 Words
Chapter 1 [Shaira pov.] Halos isang linggo na ang lumipas simula ng makarating ako ng manila, Nakakulong lang ako sa isang kwarto dahil ayaw nila akong palabasin hangga't hindi ko ginagawa ang gusto nila. Nag-sinungaling si tita sa'kin, Dinala niya ako sa isang club at hindi ko na siya nakita hangga ngayon. Nasusuklam ako rito, hindi ko alam kung kaya ko pa siyang respetuhin sa oras na magkita kaming muli. Napabuntong hininga ako kasabay ng pagpasok ng isang babae, Base sa kanyang kasuotan ay dito siya nagtatrabaho. Naiiling itong lumapit "Kung ako sayo hindi ako magkululong dito at dahil sayang ka, alam mo ba ang pwedi mong kitain?" Nakapamewang na asik niya. Hindi man lang ako nagkaroon ng interes. "Hindi ko kailan man gagawin ang nais mo." ani ko sa kanya at tumalikod sa kinahihigaan ko. "Ganyan din ako nung una, iniwan din ako ng nanay ko dito upang pagkakitaan, pero sa kadahilanang walang magawa ay sinunod ko rin ang gusto nila." Narinig ko ang paghila niya sa upuan malapit sa pwesto ko, nanatili akong nakatalikod at ni hindi ito binalingan. "Shaira ang pangalan mo hindi ba? Iniwan ka na ng tiyahin mo dito at pinagbili ka na. kaya kung ako sayo mag-iipon ako ng pera." Nakakalungkot mang isipin ay pera lamang ang katapat ng aking mismong kamag-anak, pero kung tutuusin ay wala naman dugong nananalaytay sa'min, K kung baga ay naging tiya ko lang ito ng dahil sa aking ama. Ang step father ko. "Tutulungan kitang makatakas dito pag nakapag-ipon ka na, ako ang bahala sayo." mabilis akong humarap dito dahil sa sinabi niya. "Paano naman ako makakasigurado na mapag-kakatiwalaan ka?" tanong ko, may kasamang pagdududa. "Tch, kung sa palagay mo ay libre ang pagtulong ko sayo na makatakas ka ay sinasabi ko sayong may kapalit iyon, kaya dapat simulan mo ng mag-ipon at babayaran mo ako sa pagtulong sayo." Tumayo siya at may kinuha sa cabinet na isang damit. Hawak ang isang pulang bistida ay nakangisi itong humarap sa'kin. "Kung ganon sinasabi mo na sumayaw muna ako dito para makapag ipon?" tumayo ako at humarap dito. "Oo, wala naman mawawala sayo kung sasayaw ka. Meron din naman mask diyan kung nais mong itago ang iyong pagkatao." Idinikit niya sa katawan ko ang nilabas niyang damit at tiningnan ako mula ulo hangga paa. "Bagay sayo ang pula dahil maputi ka, sumama ka sakin, bibihisan at aayusin kita. " Nagbaba ako ng tingin, ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang magtrabaho dito. Kahit salat kami sa pera ay malinis ang pagkatao ko, pero sa pagkakataong ito ay parang hahamunin ako ng matinding pagsubok. Nais ko man takasan ang lugar na ito ngunit hindi ko magawa, sa sobrang dami ng bantay at halos may armas silang nakatago sa kani-kanilang kasuotan. Ayokong mapahamak ako, dahil paniguradong mag-aalala ang aking ina. At iyon ang ayaw 'kong mangyari. Sumunod ako rito ng lumabas siya, hangga sa makapasok ito sa kabilang silid na halos mga kolorete sa mukha ang tatambad sa 'iyo, kita ko ang repleksyon ko sa malaking salamin at halos kawaan ko ito dahil sa matinding dulot ng kalungkutan at pangamba. "Magbihis ka na kung nais mong sumayaw, ano mang oras ay mag-hahanap na ng babae ang mga costumer.." Napapalunok akong nag-iwas ng tingin ngunit ng mapansin niya ako ay muli siyang lumapit sa' kin. "Just try, walang mawawala. Gaya ng sabi ko tutulungan kita, dont worry.." "Hindi ako sanay sa ganitong trabaho.." "Masasanay ka rin.." inilahad niyang muli sakin ang damit, naiiling kong kinuha iyon dahil nais ko ng umalis dito. Kung pera lang naman ang kailangan niya upang tulungan ako ay gagawin ko na, at sa oras na makalabas ako sa impyernong ito ay didiretso na ako pauwi patungong probinsya. "Sobrang iksi naman nito, wala ba riyan ang mas mahaba ng bahagya kesa rito" reklamo ko, pilit na hinihila pababa ang laylayan ng bistida. Fitted dress ito na kulay pula, paghinila mo pababa lilitaw naman ang dibdib mo, pag pataas naman parang masisilipan ka na. Anak ng tokwa, hindi ko pinangarap maging GRO ng club. P*ste! Kahit sa bahay ay ni hindi ako nagsusuot ng sando o kahit na anong maliit na damit, pwede na nga akong tawaging maria clara sa sobrang pagkamadre 'kong manamit. Lumabas ako ng hindi siya sumagot, nang masilayan niya ako ay para itong nakakita ng multo dahil sa pinakita niyang reaksyon. "Wow, sabi na nga ba at magaling talaga akong mamili ng damit. Tunay ba yang dibdib mo" Pinisil niya iyon kaya halos manlaki ang mata ko sa ginawa niya. "Ano ba, naiilang na nga ako sa suot ko eh!" singhal ko, napangiwi siya. "Akina yung mask." Mataray nitong nilahad ang mask na susuotin ko, "Natasha pala ang pangalan ko.." anas niya, tinanguan ko lang ito. "Maganda ka shaira napaka sexy mo, paniguradong hindi papayag ang mga costumer na hindi ka man lang mai-table." Dugtong niya pa, "Di 'ba pagsasayaw lang ang gagawin ko, hindi ako sanay na may katabing lalake sa ganitong suot.." "Mas malaki ang kikitain mo shai, pwedeng shai na lang pala? " "Bahala ka" ani ko at naupo sa harap ng salamin Tumango itong lumapit sakin at inumpisahang ayusan ako, kahit bago lahat ng mga ito ay titiisin ko. Upang makauwi na ako, ayoko na rito. "Ang ganda ng mata mo shai, kanino mo namana ang brown na mata?" tanong niya habang tinatali ang mahaba kong buhok. "Sa ama ko.." "Nasaan pala sila? hindi ba nila alam na nandito ka?" tanong niyang muli at nilagyan ng spray ang buhok ko. "Alam nila sa restaurant ang trabaho ko, wala pa akong balita sa kanila at paniguradong puro kasinungalinan na naman ang sinabi ng tiyahin ko." tiim bagang na turan ko, "Ganun ba? panigurado makakapag ipon ka naman dito kahit isang buwan ka lang sumayaw. Kung gusto mo naman na lumaki ang kita mo ay magpa-table ka." wika niya, natapos na rin sa buhok ko. "Pagiisipan ko muna iyan, sa ngayon pagsasayaw muna ang gagawin ko. "Tsk, ako naman ang bahala sayo, bawal ilabas ang ka-table dito ng walang pahintulot ni Ma'ma.." saad niya at nag spray ng pabango. "Huwag mo akon madiliin.." muli ay napangiwi siya ngunit hindi maalis ang pagkamangha tuwing hahagurin niya ang aking katawan. "Shai para 'kang model, meron ka bang lahi?" umikot ito sa aking likuran, "Ang sabi sakin ni mama ay kahawig ko daw ang aking ama.." "Ah gnun ba, oh tara na lumabas na tayo at papakita kita kay Ma'ma, panigurado at masaya iyon dahil may bago siyang alaga." hinila ako nito palabas kaya halos magpatianod na lang ako dito. Nang tuluyan kaming makababa kung saan sari-saring ingay ang maririnig mo sa paligid, amoy alak, sigarilyo na hindi pamilyar sakin. Iba't ibang kulay ng ilaw ang siyang nagbibigay liwanag sa bawat parte ng sulok na tinatayuan namin. "Natasha, nariyan ka lang pala." may lumapit sa amin, ito ang matandang babae na nagpupumilit sumayaw ako sa malaswang entablado na pagmamay-ari niya. "Mabuti naman at napapayag muna yan, natauhan na ba.." Kumawit si natasha upang aluhin ito. "Syempre Ma'ma, ganyan din naman ako noon di ba. Pero bongga ang atin ngayon, tingnan mo naman swak na swak sa panlasa ng mga dayo dito.." Nakangiting tumango ang ginang, kumbinsido agad "Sige na sasayaw ka ngayon pagkatapos niyan." turo niya sa nakabikini kanina. "Panigurado nga at tatalbugin mo ang mga kababaihan dito, at ano iyang hawak mo? mag Ma'maskara ka pa?” tanong niya, tumango ako. "Nahihiya pa yan Ma'ma." segunda ni natasha, napairap ako dahil sa matandang ito. "Tawagin na lang natin siyang LADY IN MASK, di ba panigurado pagkakaguluhan siya." pangungumbinsi niya pa sabay kindat sakin ng palihim. "O siya sige, pumunta na kayo sa backstage at patapos na ang isa, nandito lang ako at nagmamasid ." tinalikuran na kami nito upang maglakad patungo sa isang costumer na lalake, hindi mawala ang masamang tingin ko rito hangga sa higitin muli ako ni natasha. Nang magawi sa backstage ay naroon ang tatlong kababaihan, gaya ni natasha ay ganun rin ang kasuotan nila. "Siya ba ang bagong salta?" tanong ng babaeng kulot. "Yes, she is shaira.." tugon nito, nanatili akong walang imik. "Hi shaira im Kate, mag-eenjoy ka rito dahil mamaya lang dadayuin tayo ng mga adonis ni bathala." natatawang ani niya at nakipagbeso sakin. "At eto namin si abby and faith." turo niya sa mga kasama. "Hello cutie girl nakaka insicure naman ang ganda mo talbog ang kutis namin sa balat mo." tumayo rin ang tinawag nitong abby, katulad ng iba ay hinagod pa niya ako. "Magmamask ka pa?" tanong ng isang babae na nakaupo, si faith. "Oo, masyadong maraming tao. Hindi ako sanay.." Lumapit sakin si natasha. "Just ignore the peole, ang isipin mo ay mag-isa ka lang, maitatawid mo iyan ng maayos.." She lead the way for me, Sinamahan niya ako hangga sa makaakyat ng stage. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod kaya pinilit 'kong palakasin ang tindig upang hindi matumba sa sobrang kaba na nadadama ko. Bwis*t, anong pinasok ko. "Witwiwwwww." nagulat ako sa biglaang pagsipol ng karamihan, hindi ako halos makagalaw dahil doon. "Sayaw na!!" "Give me your hot dance number sexylady" sigaw ng nasa harap. "Sasayaw na yan! Sasayaw na yan!" "GO SHAIRA!!" Doon ay muli akong napasulyap sa likuran ko, nakathumbs-up sa' kin si natasha na parang sinasabing ayos lang yan. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago humarap sa maraming tao. Gagawin ko ito upang makaalis na sa lugar na ito, upang magkapera at muling makapiling si mama at ang aking mga kapatid. Nag-umpisa akong gumalaw at sa isip ko ay napapamura ako dahil sa tindi ng tinginan nila sakin, nanliliit ako sa sarili ko. Umikot ako kasabay ng malaswang tugtugin, nang muling humarap ay dumapo ang paningin ko sa isang lalakeng seryosong nakatingin sa' kin, parang may kung anong meron sa titig niya na hindi ko mawari, hindi ko maalis. Nahinto ako at parang may sariling buhay ang aking katawan dahil kusa itong sumasayaw. Ang magaganda niyang mata na halos kahawig ng akin ay siyang nagbibigay gandang lalake rito, hindi ko alam kung paano at nairaos ko ang kahihiyang nagawa ko sa kanyang titig lamang. Kakaiba, hindi ko maipaliwanag. "Your good in dancing shaira.." anas ni abby na halatang nakainom na dahil sa mapupungay nitong mata, kanina pa kami nakatambay sa backstage dahil may panibagong grupo na ang humalili sa' min. Naka-ilan sayaw rin ako at nalagpasan ko iyon dahil sa gwapong lalake na nakamasid. Hindi ko makalimutan kung paano siya tumitig sa'kin, ang kanyang mata, ilong. Tang*na, Kabisado ko na ang kanyang mukha. Nginitian ko na lang ang ilang papuri nila sa' kin hangga sa umabot ang hating gabi ay nanatili pa rin kami na naroon, nag-iinuman sila samantalang ako ay nakaupo lang at halos mangalay na ang likod sa sobrang inip na namumutawi sakin. "Haha Shaira *hik* nariyan ka pala *hik*." si natasha, mukhang lasing na. "Ang dami pa sanang nag rerequest sayong sumayaw at sinisigaw nila ang lady in mask *hik* hahaha." Napaupo siya, hawak ang kanyang noo. "Lasing ka na, wala ka na bang trabaho?" tanong ko, binalewala ang sinabi niya. "Meron pa *hik*, huwag mo akong aalahanin kaya ko ang *hik* sarili ko.." bigla ay napayuko ito sa lamesa kaya halos sapuin ko ang kanyang mukha dahil doon. "Hayaan mo muna yan, magpapahinga lang siya at mahihimasmasin rin.." sabad ni abby, inihiga nito si natasha sa kahabaan ng sofa. "Hoy, ano ba kayo! naroon na ang mga adonis at hinihintay na tayo, bilisan niyo.." nilingon ko si kate na halos tumili na at ipagsigawan sa buong club ang pangalang adonis, sino ba ang mga iyon. Nilingon ako ni abby "Halika, sumama ka.." "Sandal---.." hindi ko na natapos ang sasabihin sa biglaang paghila nito, sigurado akong namumula na ang aking kamay sa kanina pa na puro hila ang nangyayari. Tch. Dumiretso sila sa isang vip room, malawak ang loob at may dalawang mahabang sofa. Sa magkabilaan at sa side naman ng table ay single sofa doon ko lang napansin na merong apat na lalakeng nakaupo roon. Napapalunok akong nag-iwas ng tingin, kahit na suot ko pa rin ang aking maskara. "Hi Prettyladies bakit ang tagal niyo?" tanong ng isang lalake, nilingon ko iyon. Naka-navyblue longsleeve ito. "Sorry baby Vanz kakatawag lang ni Ma'ma eh." Anas ni kate kasabay ng pag-upo niya sa hita nito, nailing ako dahil sa eksenang iyon. Bumaling ako kay abby at halos mapahiya ako ng ako na lang ang nakatayo, kanya kanya na sila ng upo habang katabi ang mga lalake na hindi ko maipagkakailang gwapo. Sumulyap ako sa isang lalake na nakaupo sa single sofa, at halos matigilan ako ng makita kung sino iyon. Ang mataman kung tumitig sakin kanina ay diretsong nakatingin na naman ngayon sa kinatatayuan ko. Ano ba ang problema niya at ganyan siya makatingin, nakakalusaw at aaminin 'kong napaka-gwapo niya. Walang hiya shaira! Anong gwapo? Tumigil ka! "Lady in mask? wow ikaw yung sumasayaw kanina di ba? Ako nga pala si philip." naglahad ng kamay ang katabi ni abby, tiningnan ko iyon ngunit upang hindi ito mapahiya ay labag sa kalooban ko itong kinamayan.. "And this handsome" turo niya sa katabi ni faith "Miguel, and this is lonely boy, Jacob ." Pakilala niya rito, nang-aasar. Muling nagtama ang paningin namin, sobra kung makatingin siya habang nakasandal at magka-krus ang kamay. Hindi ko alam kung pinapatay niya na ako sa isip dahil sa titig niyang iyan. Tusukin ko kaya ang maganda niyang mata! "Medyo naiilang pa kasi si lady in mask bago pa lang ito, halika rito maupo ka.." saad ni kate at sinenyasan akong maupo sa katapat na upuan ng tinatawag na jacob.. Nang makaupo ay bigla akong inabutan ng basong may alak ni faith sabay senyas sa lalakeng kaharap ko, nakababa na ang kanyang paningin at abala itong iniikot ang yelo sa kanyang baso. Kinuha ko iyon, at hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko ng bigla ko iyon tunggahin. Halos mapapikit ako at mapangiwi sa nalasahang ininom ko, sobra kung gumuhit ang sama ng lasa sa aking leeg. Ano ba ito, hinaluhan yata ng asin kaya sobrang hapdi sa leeg. Pabagsak kong nilapag ang baso, napapapikit pa ako dahil sa lasang iyon. Hindi ko na iinumin yan kahit kailan. Isumpa man! Nang i-angat ko ang tingin ay halos mapaatras ako sa sumalubong na titig, salubong ang nagkakapalan niyang kilay na nakatingin sakin. Hinigitan pa ang sama ng tingin kanina lang. tumikhim bigla si vanz kaya nawala ang paningin ko rito "Can I asked you a favor, lady in mask?" biglaang tanong nito, tumango lang ako bilang sagot. "Can you show your face here." Napamaang akong tumitig dito, hindi ako bob* upang hindi maintindihan ang wikang ingles, nais niya kamong makita ang mukha ko? Pero bakit, para saan pa. Nilingon ko si abby, nakangiti itong tumango na parang kinukumbinsi rin akong gawin iyon. Wala naman sigurong mawawala kung huhubarin ko ito, sila lang naman at wala naman ibang tao. Pagkatapos nito ay hindi ko na sila makikita pang muli. "Take it off lady mask.." anas ni vanz,, pumapalakpak na tila nais talagang makita ang mukha ko. Wala naman mangyayari siguro, hindi rin naman ako magtatagal sa manila at bwis*t na lugar na 'to. Mga ilang minuto pa muna akong nag-isip bago hawakan ang dulo ng aking buhok upang tanggaling na ang pagkakabuhol ng maskara, ngunit ng saktong matanggal iyon ay siya namang paghila ng marahas na kamay sakin. Napamura ako. __
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD