DENICE'S POV KASALUKUYAN akong nasa kusina,naghahanda ng agahan namin ng anak ko. Sinamantala ko na rin ang pagaashing ng mga marumi habang mahimbing pa ang tulog nito sa kwarto. Mahihirapan kasi akong kumilos kung gising si Kice dahil kinakailangan kong turuan ito sa matematika. Matalino ang anak ko... alam kong namana niya ito sa kanyang ama. Sa totoo nga eh parang wala naman itong namana dahil pati sa hawig ay nakuha niya rin sa ama. Napangiti akong iniisip ang future ng anak ko... Ngunit agad din itong naglaho ng maalala ko ang pinagsakitan ko. Sana lang ay di makuha ni Kice ang p*******t ng damdamin ng babae. Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang tunog ng doorbell. Agad naman akong pumaroon at pinagbuksan ito. Tumambad sakin ang mestisong lalaki. Matangkad ito at may itsura. Napan

