Chapter 2

1615 Words
TRIXIE'S POV: AFTER my long week, weekend arrived. It's time to go back home. Nasa eroplano pa lang ako pero– damang-dama ko na ang pakiramdam na nakauwi ka na sa bansa mo. Ang sarap sa pakiramdam. “Welcome to Ninoy Aquino International Airport!” the stewardess announced. Nagdilat ako ng mga mata, ibinaba ang suot na headphones. Napasilip ako sa labas ng bintana, nakalapag na nga kami ng airport. It’s been fourteen years since I left the country. At hindi na nakauwi pa. Dahil dinadalaw ako ng pamilya ko sa Toronto. Paglabas ko ng arriving, nakita ko kaagad sila mommy, daddy at Jane sa ‘di kalayuan. Naghihintay sa pagdating ko. Nangilid ang luha ko na napatitig sa kanila. Bakas ang kasabikan sa kanilang mga mata habang isa-isang tinitignan ang mga lumalabas ng arrival. Lumapit na ako, marami-rami kasing tao kaya iniisa-isa nilang tinitignan ang mga dumarating. Nangolid ang luha ko nang makalapit sa kanila. “Mom, Dad, Jane!” pagtawag ko. Napalingon sila sa gawi ko, natulala at nangilid ang luha na makita ako! “Sweetheart!” “Ate!” Napangiti ako na sinalubong ang kanilang mahigpit na yakap! Naluha kami habang magkakayak. Naghalikan at muling nagyakapan na nagkakaiyakan sa sobrang saya at pangungulila sa isa't-isa. I could even feel their hearts beating, their warmth wrapping around me– it was like coming back to life. Napakasarap sa pakiramdam na mayakap mo ang pamilya mo. “Kumusta po kayo?” I asked. Nagpahid kami ng luha. Muli akong niyakap ng mommy na niyakap ko rin pabalik. “I miss you. I miss you so much, darling.” Usal niya. Hinagkan ko siya sa buong mukha na ikinangiti niya. “I miss you too, Mom. Mis na mis ko po kayong lahat.” I answered. “We’re so glad you’re finally home, sweetie. Everyone’s waiting for you in Zambales, especially Lucas and Nicolette– They're all excited and happy to see you.” Mommy said while wiping my tears. After our reunion with a bit drama, we ride in the car now. Umuwi na muna kami ng mansion para makapag pahinga ako kahit ilang oras lang. Bukas pa naman ang kasal. Kaya mamayang gabi na kami bibyahe sakay ang chopper para mas mabilis makarating sa isla namin– kung saan gaganapin ang kasal ni Lucas. Nasa harapan ang mga magulang ko, katabi ko dito sa backseat si Jane na nakayakap sa akin. I looked out the window and saw how much things had changed. Taller buildings, busier road, puno ng tao ang mga overpass at maingay ang busina ng mga sasakyan na halos magdikit-dikit na sa sobrang traffic. Napaikot ako ng mga mata na sumandal at pumikit na lamang. This is Manila. Hindi na talaga naaagapan ang traffic dito. Ang bagal umusad ng bansa kumpara sa ibang bansa. Ilang minuto pa, nakarating din kami ng mansion. Pagbaba ko, sumalubong ang malamig na simoy ng hangin– na tila binabati ako at ipinapadama sa akin ang pakiramdam na– there's no other place like home. Napangiti ako. Naigala ang paningin sa mansion namin. Niyakap naman ako ng daddy mula sa likuran. Nasa tabi namin ang mommy at si Jane. “Welcome home, anak.” Bulong ng daddy na hinagkan ako sa ulo. “Thank you, Dad. I miss our home. Parang kahapon lang ako umalis a. Walang nagbago sa mansion.” Aniko. “Of course, sweetheart. Inaalagaan talaga ng mommy mo ang tahanan natin. Dahil kahit malalaki na kayo, dito at dito pa rin kayo uuwi. Dahil ito ang tahanan nating pamilya.” He replied and kissed me on my head again. Pumasok kami ng mansion, katulad sa labas, wala rin halos pinagbago dito sa loob. Pero ibang-iba ang pakiramdam. Na damang-dama mo ang tahanan mo. “I'm finally home,” I murmured in my mind. Napangiti ako na napapikit. Ninanamnam ang mainit na vibes dito sa aming tahanan. Ang sarap sa pakiramdam na makauwi ka sa bahay niyo– after a long time. KINAGABIHAN, dumating kami ng isla sa Zambales kung saan gaganapin ang kasal ni Lucas. It's a private wedding and we own the island. Bukod sa nagkalat na bodyguard sa paligid, narito na ang ilang kaanak namin, family friends na imbitado sa kasal at mga kaibigan ni Lucas. “Ate! I miss you so much!” maluha-luhang bulalas ni Lucas habang mahigpit akong yakap-yakap. Napangiti ako na hinagod-hagod siya sa likuran. “I miss you too, little bro. Ang laki mo na. Mas matangkad ka pa kay kuya at daddy a,” tugon ko na kumalas dito at napahagod sa kabuoan niya. Nakangiti itong nagniningning ang mga matang nakatitig sa akin. Sa kanilang lahat, si Lucas ang hindi nila masyadong nabibitbit sa Toronto. Dahil sa uri ng trabaho niya bilang bumbero. Na hindi siya ang may hawak ng oras niya. “Mas gwapo at mas macho rin, hindi ba, ate?” ungot niya. Natawa ako na nakurot ito sa tyan. “Oo na, pagbibigyan kita at kasal mo.” We both laugh and hug again. Matapos kong makilala ang dalawang hipag kong babae, si Ate Gabby na asawa ng Kuya Matteo at si Nicolette na asawa ni Lucas, nagpaalam akong sa gilid na muna. Magaan ang loob ko sa dalawa. Parehong maganda at mabait. No wonder, baliw na baliw ‘yong dalawang kapatid ko sa kanila. Maasikaso at malambing kasi sina Gabby at Nicolette. Idagdag pang napakaganda din nila. Nagmamasid-masid ako sa mga tao dito sa rest house. Karamihan, mga kamag-anak at family friends namin. Walang masyadong tao mula sa side ni Nicolette. Idagdag pang pribado ang isla kaya walang sinoman ang basta-basta makakapasok dito. “How have you been in Canada, Trixie? It’s been so long since I’ve seen you.” Tanong ng isang pinsan ko na hindi ko nakita sa mahabang panahon, halos hindi ko na nga makilala. “I’ve been good, thanks. Busy with my work and lifestyle there.” Sagot ko nang may tipid na ngiti. “No husband or boyfriend yet? You’re not getting any younger, you know.” Dagdag pa nito habang umiinom kami. Bigla akong nailang pero hindi ako nagpahalata. “Not for now. I don't have time to meet a new man. It's the least of my priority tho,” I replied. Tumango-tango naman ito na ngumiti. “Kung sabagay, you're still young, Trix. Enjoy your life of being single. Kapag nahanap mo na ang lalakeng nakalaan sa'yo, kusang titibok ang puso mo,” dagdag niya na ikinatango ko na lamang. I took a deep sight. Inubos ang laman ng wine glass ko. Masaya ako para sa kapatid kong si Lucas na ikakasal na rin ito kahit mas matanda ako sa kanya. You could see how much they loved each other– it was written all over their faces. But there's a part of me couldn’t help but feel jealous. Out of the five of us siblings– me, Lucas, Jane, Kuya Matteo, and Kuya Edward, everyone has found their true love already. Maliban sa amin ni Jane. Ilang minuto pa ang lumipas. Napapalinga ako sa mga tao sa paligid ko. Ewan ko pero– tila may mga pares ng mata ang nakasunod ng tingin sa akin. Damang-dama ko na may nakatitig sa akin. Hindi ko lang mahanap. “Anak, are you sleepy now?” my dad asked me. It's already ten o'clock in the evening. Inaantok na nga ako dala na rin ng pagod. “Inaantok na nga, Dad. Okay lang po bang magpahinga na? Hindi naman ako ang ikakasal e. Kayo na po ang bahalang mag-entertain sa mga bisita.” I answered. He smiled and nodded. Inakbayan niya ako kaya napayapos ako sa baywang ng daddy. We headed inside the house. Narito pa rin sa labas ang mga bisita. Nagkakasiyahan. “Ang ganda po dito. How I wish to stay longer here. Ang sarap magpahinga.” Wika ko habang papasok kami ng bahay. “Then stay here, sweetie. You're free to stay here kahit dito ka na tumira. How many times do I have to tell you, that you don't have to work hard there. Kung pera lang naman, meron na tayo no'n, sweetheart. Ikaw ang kailangan namin dito. Kita mo naman, sobrang nangungulila kami sa'yo,” malambing sagot ng daddy na hinagkan pa ako sa ulo. “I love my job, Dad. Mahirap– oo. But this is my dream, my passion. Masaya po ako sa trabaho ko,” sagot ko kaya napabuntong hininga nang malalim ang daddy. Inihatid niya ako sa silid na magiging silid ko. “Fine, kung saan ka masaya, sweetheart, doon din kami. So, paano? Magpahinga ka na, hmm?” aniya na hinaplos ako sa ulo. I smiled and hug him one more time. Napangiti naman itong ikinulong ako sa kanyang bisig at mariing hinagkan ako sa ulo. “Goodnight po, Dad. Pakisabi rin kay mom, mahal ko po kayo,” malambing saad ko na tumingkayad at hinagkan ang daddy sa pisngi na napangiti. “Goodnight, sweetie. Sleep well, hmm? Love you.” “Love you, Dad.” Kumaway pa ito bago tuluyang isinarado ang pintuan. I headed to the restroom and take a quick shower. Gusto ko nga sanang maligo sa dagat sa labas. Pero gabi na at wala akong kasama. May isang linggo pa naman ako. Kaya ipinagpaliban ko na lang. Isa pa, bagsak na ang katawan ko sa pagod ngayong araw. After doing my night routine, I lay down on my bed and wrapped myself with the thick feather ret blanket. Ang sarap nitong ibalot sa katawan na ang lambot at kapal. Lalo tuloy akong hinihigop ng antok at pagod ko. May ngiti sa mga labi na nagpatangay na ako sa antok at pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD