Chimmy's POV
Maaga akong nagising dahil ngayong araw ang flight namin pauwing pilipinas.Ipinagluto ko ang anak ko ng breakfast niya.Inihanda ko narin ang baon niya na dadalhin sa Cafe.Kinausap ko na siya kahapon na wag siyang pasaway sa Tita Shiela niya.
Mamayang tanghali pa naman ang flight namin.Sa Cafe nalang kami magkikita ni Owen.Pagkatapos kung magluto pumasok ako sa kwarto para maligo para paggising mamaya ni Bryn siya nalang ang aasikasuhin ko.
Ilang minuto lang ang tinagal ko sa banyo para maligo at lumabas na rin ako.Nakita kong gising na ang anak ko,kinukusot kusot pa nito ang kanyang mata.Hindi ako sanay na hindi ko kasama ang anak ko,alam kung ganun din siya.
"Anak okay lang ba talaga sayo na uuwi si Mama sa pilipinas kahit hindi ka kasama?tanong ko.
"Opo Mama.Mabilis kalang naman po doon diba?Babalik karin agad."alam kong malungkot siya.
"Mabilis lang ako doon anak,bibisitahin ko lang si Lolama at Lolopa mo.Hindi naman ako magtatagal doon."sagot ko sa anak ko.
Niyakap naman niya ako ng mahigpit.Alam kong mamimiss namin ang isa't-isa.Tumayo siya para kunin ang binili niyang mga pasalubong ko para sa lolo at lola niya,siya na daw ang maglalagay sa maleta ko.Hinila ko ang aking maleta palabas ng kwarto,binuksan ko ito at inilagay ni Bryn ang mga pasalubong na binili niya sa loob.
"Anak kakain kana ba o gusto mong maligo muna?tanong ko sa kanya.
Sinabi niyang maliligo nalang daw muna siya kaya bumalik na siya sa kwarto.Mag-isa nalang siyang naliligo dahil ayaw niyang pinapaliguan ko pa siya.Pagpasok ng anak ko sa kwarto nagtungo ako sa kwarto ni Shiela para gisingin siya.
Bakit kaya hindi pa nagising ang babaeng yun,minsan nauna pa nga siyang magising kaysa sa akin.Pinihit ko ang door knob ng kwarto niya at itinulak ito pabukas ng natigilan ako sa nakita ko.
Si Shiela na umuungol habang mabilis na umuulos si Owen sa ibabaw niya.Napansin naman nila ako na nakatayo sa pintuan pero wala silang pakialam.
"W-Wait lang Chim tatapusin lang namin ito."hingal na sabi ni Shiela habang nakangiti.
Napapailing nalng ako sa ginawa nila.Soudproof kasi ang mga kwarto dito sa apartment namin kaya hindi maririnig ang kapusukan nilang dalawa sa labas.
Matagal ng may relasyon si Owen at Shiela.Simula ng magkakilala sila at naging suki namin si Owen at mga empleyado nito ay nagkakamabutihan na din ang dalawa.Hindi naman sekreto sa akin ang relasyon nila.Naiintindihan din ni Shiela ang pagtawag ni Bryn na Papa kay Owen kahit ang pagsama-sama ni Owen sa mga gala namin ni Bryn.Malaki naman ang tiwala ni Shiela sa amin ni Owen.Alam naman niyang kay Owen ni Bryn nahanap ang pagmamahal ng isang ama.
Nag-aayos ako ng table para makakain na kami ng breakfast ng pumasok naman si Shiela sa kusina na maganda ang mga ngiti.Nakaligo na rin ito.
"Mukhang ang saya mo dahil nadiligan ka ah."
"Oo naman.Alam mo bang ano oras na kami natulog kagabi dahil hindi ako tinigilan ni Owen.Tapos kaninang umaga ginising niya ako gamit ang dila niya."proud pa na sabi nito.
Magsasalita pa sana si Shiela ng biglang pumasok si Owen sa kusina na mukhang may malaking problema.
"Chim pasensya na mukhang hindi ako makakasama sayo sa pilipinas,nagkaroon ng biglaang problema sa kumpanya."sabi ni Owen.
"Wag mo akong alalahanin Owen,unahin mo muna ang kumpanya mo.Okay lang naman ako,ang importante maayos mo ang problema mo sa kumpanya."sagot ko.
Hinalikan niya si Shiela sa labi at nagpaalam na aalis.
"Okay kalang ba na ikaw lang ang uuwi Chim?tanong ng kaibigan ko.
"Okay lang ako.Mas importante ang kumpanya ni Owen kaysa sa pagsama sa akin pauwi."sagot ko.
Tinulungan ako ni Shiela sa mga maleta ko. para dalhin sa kotse.Ihahatid nila ako ni Bryn sa airport.Hindi pa ako nakaalis pero namimiss ko na ang anak ko.Hindi ko tuloy maiwasan na mapaiyak.First time kung mawalay sa anak ko ng ganito katagal.
Nakita ko siyang nakaupo sa sofa na nakatingin sa akin at makikita sa mukha nito ang labis na kalungkutan.
"Okay kalang ba na maiiwan ka dito sa Tita Shiela mo?tanong ko sa kanya.Matagal pa bago siya sumagot.
"Mama pwede po ba akong sumama?tanong nito.
Nagkatinginan kami ni Shiela sa sinabi ng anak ko.Tumango si Shiela sa akin na ang ibig sabihin niya ay isama ko nalang ang anak ko.Alam kong matutuwa ang mga magulang ko pag nakita nila ang kanilang apo pero hindi mawala ang takot na nararamdaman ko dahil baka sa hindi inaasahang pagkakataon magkita sila ng ama niya.Hindi malabong makilala ni Brent si Bryn dahil kuhang-kuha ng anak ko ang mukha ng ama niya,kahit saang anggulo mo man tingnan.