Pag-haharap
Mabilis kaming lumabas ng mall para lumipat sa ibang restaurant.Wala akong imik na nagmamaneho ng sasakyan.Kahit si Bryn ay nagtanong kung bakit daw kami umalis doon sa mall.Nag dahilan lang si Mommy sa kanya na wala doon ang pagkaing gusto niyang kainin.
Akala ko okay na ako.Akala ko hindi na masakit pero bakit ganun ang pakiramdam ko.Nang makita ko si Brent nasasaktan parin ako,hindi dahil gusto ko pa siyang maging parte ng buhay ko kundi dahil nanumbalik ang lahat ng sakit na binigay at pinaranas niya sa akin.Kung gaano kasakit ang umasa at pinaasa.
Pinilit ko namang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya.Pinilit kong pinaniwala ang sarili ko na wala na akong nararamdaman para sa kanya na tapos na ang lahat sa amin.Pero nong makita ko siya kanina para akong trinaidor ng sarili kong puso.Alam ko naman na hindi basta-basta mawawala ang pagmamahal ko sa kanya.
Nakarating kami sa isang mall na nilipatan namin.Napansin naman ng mommy ko ang aking pananahimik.
"Anak okay kalang ba?kung gusto mo umuwi nalang tayo."sabi nito.
"Okay lang ako mom at isa pa nandito na rin naman tayo kaya ituloy nalang natin ang dinner."sagot ko.
Pumasok kami sa isang resraurant.Agad naman kaming binigyan ng waiter ng menu.Habang kausap ko ang waiter para sa oorderin naming pagkain biglang tumunog ang cellphone ni Mommy.Nakita ko ang gulat sa kanyang mata habang tinitingnan ang caller niya.
Tumingin siya sa akin at ipinakita ang cellphone niya.Nakita kong si Brent ang tumatawag sa kanya.Sinabihan ko nalang siyang wag nang pansinin ito.
Pagdating ng aming order nagsimula na rin kaming kumain.Panay naman ang sulyap ng anak ko sa akin mukhang napansin niya ang pananahimik ko.
"Kumain kalang anak okay lang si Mommy."sabi ko sa aking anak.
Pinagpatuloy naman niya ang kanyang pagkain.Nag order na rin kami ng dessert namin.
Pagkatapos naming kumain pumunta na kami ng grocery para bumili ng mga kailangan ni Bryn.
"Anak baka may gusto kang pagkain dito kumuha kalang."
Tumango naman ito sa akin.Kumuha ako ng mga prutas at gulay.Bumili narin ako ng mga pagkain ni Bryn.Pati ang mga kailangan sa bahay ay bumili na rin ako.
"Mama i want to eat pizza."
"Okay baby.We will buy later."
Paborito kasi nito ang pizza.Binilhan ko na rin siya ng ice cream niya.Sinabihan ko rin ang nurse ni Daddy na kumuha ng mga pang hygiene niya.
Nang masigurado ko na wala na kaming nakalimutan tinungo na namin ang cashier para magbayad.
Sinabihan ko si Mommy na mauna na sila sa kotse kasi bibili pa ako ng pizza.Binigyan ko ng 500 pesos ang staff na may dala ng grocery namin.Pumasok kami sa isang pizza store para mag order ng pizza.
Bitbit ko ang pizza habang hawak ko ang kabilang kamay ng anak ko palabas ng mall.Pagdating namin sa kotse pinapasok ko ang anak ko sa loob.
Pagdating namin sa harapan ng gate sa bahay may isang kotse na nakaparada sa harap,bumukas ang pintuan nito at iniluwa si Brent.Napuno ng kaba at takot ang puso ko.Kasama ko ang anak ko hindi niya pwede itong makita.Buti nalang tulog ito sa kandungan ni Mommy.
"Anak anong gagawin natin?tanong ni Mommy
"Red ikaw na ang magmaneho ng sasakyan papasok sa loob.Bababa ako para harapin si Brent.Mom paki deritso nalang po si Bryn sa kwarto."tugon ko.
Bumaba ako at lumipat naman si Red sa driver seat.Hinintay kung makapasok ang kotse sa loob ng gate bago ko hinarap si Brent.
"Anong ginagawa mo dito Mr.Hansen?
"Pwede ba tayong mag-usap Chim?tsaka niya inabot ang bulaklak na dala niya.Hindi ko ito tinanggap.
"Anong kailangan mo?anong pag-uusapan natin?tanong ko.
Hindi lubos maisip ni Brent na ang babaeng nagmamahal sa kanya noon ay ibang-iba na ngayon.Hindi lang sa pananamit at kilos nagbago si Chimmy pati na rin sa pakikitungo nito sa kanya.Ibang-iba na ang Chimmy na kaharap niya ngayon sa Chimmy na nagmamahal sa kanya noon.
"Pwede bang makapag usap kahit sa loob lang ng kotse ko."
"Sige."maikling sagot ko
Binuksan naman ni Brent ang pinto ng kotse nito para makapasok si Chimmy sa loob.
"Kamusta kana Chim?
"Kung may sasabihin ka Mr.Hansen pwede bang sabihin mo na.Hindi ako pumayag na makipag usap sayo para lang makipag kamustahan."sabi ni Chimmy.
"Sorry Chim kung hindi ko nakita ang pagmamahal ay pagpapahalaga mo noon.Alam kong naging bulag ako dahil sa pagmamahal ko kay Sandra pero niloloko niya lang pala ako."paliwanag ni Brent.
"Kung ano man ang nangyari noon kinalimutan ko na yun.Tapos na ang tungkol sa atin Brent."sabi ni Chimmy.
Muling namayani ang katahimikan sa loob ng kotse bago magsalita ulit si Brent.
"Nong umalis ka gusto kitang ipahanap pero hindi ko ginawa dahil magagalit ang mga magulang ko.Ang tagal din nilang may tampo sa akin dahil sa ginawa ko sayo.Sinisisi ni Mommy ang sarili niya dahil pinilit niyang tumira tayo sa iisang bubong at dahil doon nasaktan ko lang ang damdamin mo."paliwanag ni Brent.
"Tapos na ang lahat ng yun at isang nakaraan na lamang yun na hindi na dapat pang balikan pa."saad ni Chimmy.
Para namang piniga ang puso ni Brent ng marinig ang sinabi ni Chimmy.Hindi niya alam kung may pag asa pa ba siyang maitama ang maling nagawa niya.Alam namam niyang sa kanilang dalawa si Chimmy ang labis na nasaktan at nagdurusa dahil sa pagiging g*g* niya noon.Makukuha pa kaya niya ang kapatawaran ni Chimmy o baka napupuno na ng galit at poot ang puso nito para sa kanya.