Chapter 9

660 Words
Abala si Brent sa kaliwa't kanan niyang mga meeting.Lalong pang nakilala ang kumpanya niya hindi lang sa pilipinas kundi pati sa ibang bansa,mas dumami ang naging interesado na mag invest sa kumpanya niya. Wala siyang panahon para sa mga walang kwentang bagay.Ilang taon na rin siya na walang balita kay Chimmy,pinagsisihan niya noon na hindi man lang niya nakita ang halaga ng babaeng totoong nagmamahal sa kanya. Alam niyang nagkamali siya pero alam din niya na hindi na rin niya maitutuwid pa ang pagkakamaling yun.Marami na rin ang nagbago sa sarili niya pagkalipas ng limang taon. Bukas ay lilipad na naman siya papuntang paris para sa isang negosyo na itatayo niya doon. Sa paris naman ay nakaupo si Chimmy sa terrace ng kanilang apartment habang nagkakape.Hindi siya pumuntang Cafe ngayon dahil mamamasyal sila ng anak niya at ni Shiela. Every week ay naglalaan talaga si Chimmy ng araw para makapag bonding sila ng anak niya.Kahit gaano man siya ka busy sa trabaho pagdating sa anak niya ay inuuna niya ito.Ayaw niyang maramdaman ni Bryn na nagkulang siya bilang isang ina. "Nakatulog kaba ng maayos,ang aga mo namang magising,"bigla sabi ni Shiela na papalapit sa akin habang may hawak na tasa ng kape. "Maayos naman ang tulog ko,maaga lang talaga ako nagising para magluto ng almusal at ang babaunin na pagkain ni Bryn.Alam mo naman ang batang yun gusto niya na pag umaalis parati siyang may baon na pagkain,"sagot ko. Masaya kaming nag-uusap ni Shiela ng may maliliit na mga bisig ang biglang yumakap sa akin. "Good morning po mama at tita,"masiglang bati ng anak ko. "Mukhang maganda ang tulog ng inaanak ko ah!,"sagot naman ni Shiela na pinisil ang ilong ni Bryn. "Excited kana ba anak,"tumango naman siya at hinila ang kamay namin papasok sa loob. Iginiya niya kami sa kusina,kakain na daw kami para maaga kaming makakaalis,hindi naman halatang excited ang anak ko sa pupuntahan namin. Matapos kaming mag-ayos tsaka naman kami umalis patungong disneyland,kaya sobrang excited ang anak ko kasi 1st time niyang makakapunta.Gusto ko ring maranasan ng anak ko na mapuntahan niya ang lugar na makakapag enjoy siya. "Mama,Tita thank you po,"biglang wika niya. "For what baby,"?tanong ko naman sa kanya. "Kasi po dadalhin niyo po ako sa disneyland," "Deserve mo naman yun baby mabait ka kasing bata,"sagot ni Shiela sa kanya. Walang mapag sidlan ang saya sa aking puso na makita ang anak kong masaya at nag eenjoy.Habang naglilibot kami sa disneyland tumunog naman ang cellphone ko. Nakita kong si Owen ang tumatawag kaya sinagot ko ito.Pumunta daw siya ng cafe pero wala kami,sinabi ko naman sa kanya na nasa disneyland kami kaya ang sabi niya pupunta daw siya. Matapos kong ibaba ang tawag ni Owen ay tinawag ko ang anak ko. "Anak pupunta daw ang Papa mo dito,"tuwang-tuwa naman ang anak ko. Habang hinihintay namin si Owen pinakain ko muna ang anak ko dahil nagugutom na daw siya.Hindi naman nagtagal ay nakita na namin ang bulto ni Owen na papalapit sa amin.Agad niya namang binuhat si Bryn ng magpakarga ito sa kanya. Nakatulog na ang anak ko sa mga bisig ni Owen sa sobrang pagod,tuwang-tuwa naman siya sa mga nakikita niya.Si Owen na rin ang nagbuhat hanggang sa sasakyan baka daw mahirapan ako dahil mabigat si Bryn. Nagpasalamat naman ako sa kanya na naglalaan siya ng oras para sa anak ko.Nang makarating na kami sa apartment pumasok na ako sa kwarto para ihiga si Bryn,kumuha lang ako ng basang bimpo para punasan siya at palitan ng damit.Pumasok na rin ako sa banyo para makapaglinis na rin ng katawan. Si Brent naman ay kararating lang ng paris may sumundo sa kanya para dalhin sa hotel na tutuluyan niya habang nandito siya sa paris.Ilang linggo din siyang mananatili hanggang sa maayos niya ang mga dapat ayusin para sa pagpapatayo ng kanyang negosyo.May tao naman siyang mapagkakatiwalaan na maiiwan para mag monitor.Kailangan niya ring bumalik sa pinas dahil may mga trabaho pa din siyang naiwan na dapat asikasuhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD