Chapter 6

1325 Words
Alas kwatro ng madaling-araw daw ang biyahe nila kaya't alas tres pa lang ay nakahanda na si Camilla. Palakad-lakad siya sa silid, kung bakit kasi ngayon pa siya nakaramdam ng tensyon gayung halos tatlong araw na siya dito at kilala niya na ang mga taong nakakasalamuha sa mansyon. Nick hasn't been friendly since the very beginning. Naririnig naman niya itong makipag-usap sa mga katulong at mabait naman ito sa mga iyon. Sa kanya lang talaga ito iwas na iwas na para siyang maysakit na nakakahawa. Hindi niya alam kung bakit. Dahil ba sa sasakyan nito na ipinahiram ni Axel sa kanya? O iniisip nito na pera lang ang habol niya sa kapatid nito dahil pumatol siya sa lalaking may-asawa? Alas kwatro ng madaling araw nang bumaba siya dala ang shoulder bag na naglalaman lang ng cellphone niya at wallet. Hindi na siya nagdala ng anumang damit dahil kailangan niyang bumalik sa mansyon para tuparin ang pinag-usapan nila ni Charles Esquivel. Kung paano niya pakikisamahan si Nick kapag kinasal na sila ay hindi niya alam. Malaki ang naging kabayaran ng buhay ng Mama niya -- ang habangbuhay na pagkakakulong sa kasal na hindi niya gusto. "Ma'am Camilla, nasa garahe na ho si Sir Nick. Kanina pa ho naghihintay," wika ng katulong na lumapit sa kanya. "Nasa sasakyan na?!" Dali-dali siyang lumakad palabas ng bahay. Ni hindi man lang siya nakapagkape gayung kanina pa siya gising. Sigurado naman siyang kanina pa din gising si Nick. Ano man lang 'yung katukin siya nito para isabay sa komedor. "Paki-lock na lang ang kwarto ko, manang," narinig niyang wika ni Nick na nasa koste na nga. Napilitan siyang sumakay sa tabi ng driver's seat. Humahalimuyak ang pabango nitong pumuno sa sistema niya. Hindi niya alam kung bakit sa kabila ng kaba ay kinilig siya sa kaisipang magkakasama sila sa ilang oras na biyahe. Sana lang ay kausapin siya nito para hindi siya mapanisan ng laway. "G-good morning..." Sandali niya itong sinulyapan na nag-ayos ng seatbelt nito at chineck ang ilang gamit. May mga bag itong sinilip sa likod kaya't halos magkalapit na ang mukha nila. "Buckle up," tipid nitong wika nang paandarin ang makina. Tahimik lang itong nagmaneho hanggang makalabas sila sa hacienda. Wala talaga itong balak kausapin siya kaya't pinili niya na lang ang pumikit. Mag-isang oras na sila sa biyahe. Gusto tuloy niyang umiyak. Kahit kailan ay hindi siya namilit ng taong ayaw sa kanya. Kung may iba lang siyang pagpipilian ay hindi siya sasabay dito paluwas ng Maynila. Suhestyon lang naman ito ni Charles para mapaglapit sila bago sila ikasal. Pero singlamig ng yelo ang pakikitungo ni Nick sa kanya. 'Kung kailangan mong maghubad sa harap niya ay gawin mo...' Magiging interesado ba si Nick sa kanya kapag nagkataon? She's a charmer. Bukod sa magandang mukha, maganda rin ang hubog ng katawan niya. Kaya nga siya napansin ni Axel at niligawan. Yun nga lang, may asawa na pala ito at saksakan talaga ng pagkababaero. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog. Puyat siyang talaga dahila dalawang gabi na magkasunod na hindi maayos ang tulog niya. Paggising niya ay nasa Balintawak na sila at naabutan na ng traffic. Alas diyes na ng umaga. Paanong anim na oras lang ang itinakbo ng sasakyan nito gayung halos kalahating araw niya ginugol ang biyahe pauwi ng La Union? "Bababa ako pagliko mo sa EDSA," mahina niyang wika habang puno ng inis sa dibdib. Talagang tiniis ni Nick na hindi siya kausapin. Napakalayo ng personalidad nito kay Axel na masayahin at palakwento. Hindi nakapagtataka na mas mahumaling ang mga babae sa dati niyang kasintahan. Nakaka-boring naman talaga ang tulad ng isang 'to. Pagkaliko nito sa EDSA ay nakahanda na ang kamay niya para buksan ang pinto ng kotse. Hindi na siya makapaghintay na makalabas at makalayo kay Nick. Nakakainsulto ang pagiging tahimik nito na para bang napakalaki ng kasalanang nagawa niya para hindi na siya nito kausapin. "Sa isang araw ang balik ko sa hacienda. Saan kita dadaanan?" Sa unang pagkakataon yata ay nilingon siya nito. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya. Kung puwede lang ay hindi na siya babalik doon at babaliin niya ang kasunduan nila ni Charles. Magiging miserable lang ang buhay niya kay Nick. "A-ako na lang ang bahala sa sarili ko. Babalil ako sa mansyon kapag naayos ko na ang mga dapat kong ayusin dito." Bumaba siya ng sasakyan at hindi na ito nilingon. Sumakay siya sa tren patungo sa ospital kung saan naka-admit ang Mama niya. Isinalang na raw ito sa operasyon. Dalawang araw din ang ibinigay ni Charles para makasama niya ang ina at masigurong tagumpay ang gagawin ng mga doktor. Isinandal niya ang likod nang makaupo sa tren habang naguguluhan pa rin sa mga nangyayari. Gusto niyang umatras sa pagpapakasal kay Nick at gusto niyang lumayo sa mga Esquivel. Totoong nasaktan siya sa panloloko ni Axel, at ngayon ay dumagdag pa ang ganitong pagtrato mula kay Nick. Nang makarating siya sa ospital ay nasa operating room pa daw ang Mama niya. Naghintay pa siya ng dalawang oras bago nakumpirma sa doktor na matagumpay ang operasyon. Magkahalong tuwa at lungkot ang sumukob sa kanya. Nailigtas ng pera ng mga Esquivel ang buhay ng Mama niya. Iyon nga lang, kapalit niyon ay ang habangbuhay sa piling ni Nick. Tila ba nakikinita niya na ang galit sa mga mata nito kapag nalaman ng binata na ikakasal silang dalawa. Kung ngayon pa nga lang ay halos hindi na siya kausapin. Baka hindi na ito umuwi sa mansyon para lang iwasan siya. "It's his problem, not mine," wika niya sa sarili. Kailangan niya na ngayong pag-aralan kung paano mahing manhid sa matabang na pakikitungo ni Nick sa kanya. Gayunman, gustong sumalungat ng isip niya dahil mula bata siya ay hinangad niya na ang magkaroon ng buong pamilya. Pinangako pa nga niya sa sarili noon na hindi siya tutulad sa ina na mag-isa lang siyang itinaguyod. Pangarap niya ang magkaroon ng sarili niyang pamilya. Nang makalipat ang ina niya sa private room ay doon na rin natulog si Camilla. Ngumiti ang Mama niya nang makita siya dahil hindi pa ito makapagsalita. Hinawakan niya ang kamay nito at niyakap sandali. Nakailang lalaki na rin ito na iniwan lang naman sa huli. Sila na lang ang magkaramay ngayon. Nang muling nakatulog ang ina ay sinikap niya ring matulog sa mahabang sofa sa loob ng pribadong silid na sigurado niyang mahal ang bill. Habang lumalaki ang tulong na ibinibigay ni Charles sa kanya, mas lalong lumulubog ang dalawang paa niya sa pagkakautang sa matanda. Ni hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa Mama niya na nakahanap siya ng perang gagamitin sa operasyon nito. Pagkatapos niyang masiguro na tuloy tuloy na ang paggaling ng Mama niya, iiwan niya naman ito dito sa Maynila para manirahan na sa La Union. Hindi niya puwedeng isama ang ina doon at makita ang totoong kalagayan niya sa piling ng lalaking pakakasalan. Tinawagan niya si Aling Melba kinabukasan para mag-asikaso sa Mama niya hanggang sa puwede na itong iuwi sa bahay. Isa hanggang dalawang linggo pa ito sa ospital para maobserbahan ng mga doktor. Bukas ay kailangan niya nang bumalik sa La Union. Dadaan na lang siya sa apartment para kumuha ng ilan pang gamit. Napakiusapan naman niya si Aling Melba na ito na ang mag-aalaga sa Mama niya sa araw-araw kapalit ng sampung libong piso sa isang buwan. Kahit paano ay napanatag siya para sa ina. Nag-iwan siya ng mensahe kay Arman na hindi pa siya makakauwi sa hacienda. Si Arman ang naatasan ni Charles na tutulong sa kanila at magbibigay ng pangangailangan ng Mama niya sa ospital. Bukod sa gusto pa niyang mabantayan ang Mama niya habang nagpapagaling ito, hindi niya gustong sumabay kay Nick. Alam niyang kaya pilit silang pinaglalapit ni Charles ay para makagaanan nila ang isa't isa bago sila ikasal. But Nick was undeniably rude. Parang utang na loob pa niya ang isabay siya nito paluwas ng Maynila at pauwi sa La Union.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD