"O, tapos na kayo nag-ikot?" Nagulat pa sila ni Axel nang pagdating sa mansyon ay kararating lang ni Nick at Camilla. "Umuwi na kayo? Nasaan ang Papa?" "Naiwan pa sa kabila. Sumasakit na raw ang tiyan ni Camilla. Kailangan na naming magpunta sa ospital dahil baka nagli-labor na siya. Manang, ang mga bag na dadalhin ilagay na sa kotse!" utos pa ni Nick sa katulong. Lumingon siya sa kinaroroonan ni Camilla na nasa sofa hawak ang tiyan. Alam niya kung paano kahirap ang manganak kaya agad niya itong nilapitan. "Anong nararamdaman mo?" "Masakit. Ohhh... Nick!" tawag nito sa asawa. Patakbo namang lumapit si Nick pero hindi alam kung ano ang gagawin. "Saan ang masakit? Bakit masakit? Manganganak ka na ba talaga? Oh, God!" "Relax, Nick. Parang ikaw naman ang manganganak d'yan kakaikot mo. H

