Thirteen Years later... "Nasaan na ba ang anak mo? Maya maya lang ay darating na ang mga bisita," tanong ni Nick sa asawa habang abala si Camilla sa paghahanda sa susuotin ng mga anak. Ipagdiriwang sa gabing iyon ang ika-83th birthday ni Charles Esquivel. Marami silang inimbitan ni Axel na mga kaibigan nito at mga tauhan sa hacienda. Tiyak na matutuwa ang Papa nila dahil mahilig si Charles sa malakihang pagtitipon at masayang kwentuhan kasama ang matatagal nang kaibigan ng pamilya nila. "Pinatawag ko na kay Manang. Gumayak ka na rin dahil tiyak na ikaw ang haharap sa mga bisita habang naghahanda pa si Papa. Sina Axel nand'yan na ba?" "Kararating lang din dahil hinintay pa si Uncle Freddie." Nanggaling pa sa checkup sa bayan ang mag-asawang Axel at Fiona para ipatingin ang matanda

