"Axel, mali ito..." Gusto niya mang itulak ang binata ay wala siyang lakas. Ang totoo ay nanghihina ang tuhod niya sa halik ni Axel sa balikat niya. Napapaso rin siya sa kamay nitong nakahawak sa baywang niya. At tila walang naririnig ang binata sa protesta niyang halos hindi rin naman lumalabas sa lalamunan. Lumapat ang mga labi nito sa isang mapusok na halik na tuluyang nagpawala ng paninindigan niya. Tila siya presong nakawala sa kulungan na nakahanap ng kalayaan sa mga bisig ni Axel. Mabilis siyang binuhat ng binata at inihiga sa kama. Hinubad nito ang t-shirt saka mabilis na umibabaw sa kanya bago pa bumalik ang katinuan niya. Nang inangkin nitong muli ang mga labi niya ay sumabay na ang kamay nito sa paglakbay sa kanyang katawan. Pilit nitong hinubad sa kanya ang pang-itaas na dam

