"Nick..." Napaangat ang ulo niya nang magsalita si Camilla. Kumuha ito ng kape niya para mapakalma siya. Hindi niya naitago ang pamumula ng mga mata. Kanina pa niya gustong pigilan ang mga luha pero hindi niya magawa. "Nasaan na si Axel..." "Malapit na raw... Okay ka lang ba?" Tumayo siya at marahang umiling. Nag-aalala siya sa kalagayan ng Papa niya dahil hindi pa raw ito nagkakamalay. "Huwag ka nang masyadong mag-alala, hindi naman pababayaan ng mga doktor ang Papa mo..." Yumakap siya nang mahigpit kay Camilla para kumuha ng lakas. Mula nang mamatay ang Mama niya sa isang aksidente, si Charles na lang ang kinakapitan niya. Hindi siya sanay na wala siyang makapitan ngayon na magulang. "I don't want to lose him, Camilla..." "Hindi siya mawawala, magtiwala ka lang sa Diyos. Isa lan

