--Eden-- ILAN ARAW na rin siya nakakulong sa basement. Isang beses lang nagpakita sa kanya ang Señor. Kung tutuusin, kaya niyang kalagan ang sarili, pero nanatili siyang nag o-obserba sa paligid. Nakarinig siya ng yabag. Bumukas ang pinto. Si Señor Marcelo. Matiim ang mukha nakatingin sa gawi niya. "You are useless! Hanggang ngayon wala pa rin si Zeki!" halos makita na niya ang ugat sa leeg nito dahil sa malakas na pagsigaw. Ngumisi siya. Nakakatuwa makita ang reaction nito. Para itong kontrabida sa pelikula na naisahan ng bida. Seen mode ka tanda! "What are you smirking at?--me? Baka nakakalimutan mo, hawak ko ang buhay mo!" nanggagalaiting bulyaw nito sa harap ng mukha niya. Napapikit siya dahil sa pagtalsik ng laway nito. So gross! Hinaklit nito ang suot niyang blouse. Na

