#8

1005 Words
--Eden-- NAKARAMDAM siya ng pangamba nang pumasok sa silid si Zeki. Naroon siya sa silid nito, dahil doon siya dinala ni Embong ng utusan ito ng binata. Umusog siya sa dulo ng kama. Tapos na ang kasal. Nang makaalis ang judge pinaakyat na siya habang ang binata at ibang tauhan nito ay nagsasaya sa ibaba. Hindi niya alam talaga kung paano nito nagagawang makipagtawanan. Matalim siya tumingin kay Zeki. Tumitig lang ito sa kanya at mayamaya walang pag-aalinlangan ito naghubad ng jacket at tshirt nito. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. "Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!! Don't you dare lay your hands on me! I dare you! Pumayag ako magpakasal sayo pero NEVER. Never ako papayag makipag-s*x sayo! over my dead body!" hiyaw niya. Mas lalo pa niya isiniksik ang sarili sa gilid ng kama. Lalaban siya ng p*****n muna bago nito makuha ang puri niya. Ngunit nagkibit balikat lang ito at pinagpatuloy ang paghubad. Inalis nito ang sinturon sabay ng pagtanggal nang pantalon. Napalunok siya nang laway. Hinagod niya ng tingin ang katawan ni Zeki. Daig pa nito ang mga hot model dahil sa mala-adonis nito katawan. He have gorgeous body that any women will die to taste for. Idagdag pa ang napakalakas na s*x appeal nito. Pinilig niya ang ulo. No. He's a devil in disguise. Hindi siya papayag sa kung ano man ang balakin nito. Nakasuot na lang ito ng boxer short. Huminto ito sa pinto ng bathroom at nilingon siya. "Para kang daga diyan, may I remind you. You are my wife now. This is my room. W-What do you expect, mag excuse pa ako sayo pagmaghuhubad ako?!" Zeki huffed in annoyance and entered inside the bathroom. Saka lang siya nakahinga nang maayos. Grabe ang pagpigil niya nang paghinga. Narinig na niya ang lagaslas ng shower. Nilukob uli nang kaba ang dibdib niya. Magtatabi sila matulog? s**t! No. Hindi pwede! Mabilis niya binuksan ang pinto ng silid at lumabas. Luminga siya at nagmadali bumaba ng hagdan. Naulingan niya ang mga goons nito na umiinom sa likod ng mansion. Tila hindi pa tapos ang kasiyahan. Bahagya siya sumilip mula sa slide door. Nakita niya andoon nga ang mga tauhan at bantay maging ang ibang babae na maids. Kita rin niya si Jona ang mataray na maid, na mapang-akit na sumasayaw sa gitna ng mga goons. Huminga siya nang malalim. sasamantalahin niya iyon. Walang habas siya tumakbo papunta sa main door. Nang binuksan niya ang main door, napatumba siya dahil sa labis na gulat ng tumambad sa harapan niya si Zeki. What? Paano? s**t naman! Nakatapis lang ito ng tuwalya. Basang-basa pa ang buhok nito na tumutulo-tulo pa sa katawan nito. Nalunok niya yata ang dila. This man is literally drop dead gorgeous. Kinuha na nito lahat ng perfection. He's body is well proportioned. So, hot! Hunky! Dishy! Tasty?? Oh s**t Eden! Napatitig siya sa tuwalya nito. Bakit feeling niya anytime malalaglag 'yun? Huminga siya nang malalim at tumingin sa binata. Matalim ito nakatingin sa kanya. "W-Where the hell are you going wifey?--escaping again?" nagtatagis ang bagang nito tanong. tumayo siya. "N-No. Magpapahangin lang ako." nauutal na sagot niya. Napasinghap siya ng lumapit si Zeki sa kanya. Napakalapit nito, halos maamoy na niya ang mabango hininga nito at amoy sabon na nanggagaling sa katawan nito. Nadadarang siya. Iniwas niya ang ulo. "You know--stupidity have boundary. Be wise. If you escaped again--my bullet will hunt you down. I dare you wifey" matigas nito wika at hinawakan na siya sa braso. Hinila na siya paakyat uli sa taas. Nagpaubaya na lang siya. Nagtataka pa rin siya paanong nakarating agad ito sa main door. Nakakatakot ang lalaking ito. Marahas siya tinulak sa kama ng makapasok sila sa silid. Umusog siya uli sa dulo ng kama. Siniksik ang sarili doon. Habang pinapanuod niya si Zeki na nagbibihis sa harap niya. Napapikit siya ng tuluyan nito inalis ang tapis ng tuwalya nito. Ayaw niya makita iyon. Bilang doctor sanay na siya makakita ng ganoon pero iba ang sitwasyon ngayon. Wala siya sa hospital at hindi siya doctor ngayon. Naramdaman niya ang paghiga nito sa kama. Dumilat siya. Nakabihis na ito. Kumunot ang noo niya ng makita ang suot nito. Naka-itim na pantalon ito, black tshirt at naka-leather boots ito. Matutulog ito ng ganun ang suot? Really? Napakislot siya ng biglang magsalita ito. "Lay down here--" ani ni Zeki sabay tapik sa kama. Hindi siya gumalaw. "kakaladkarin kita pahiga o kusa kang hihiga? I'll count to three," malamig na utos nito. Pigil na pigil niya ang paghinga. Nilulukob ng takot ang buong katawan niya. Pakiramdam niya kakainin siya nito ng buhay. "---three "---two Kahit nanginginig siya sa takot nagawa pa rin niya lumapit sa kama at dahan-dahan humiga. "move over here. Malalaglag kana diyan." pero imbes umusog hindi siya gumalaw. Zeki groaned in so much annoyance. He pulled me closer to him. Inilagay nito ang braso sa ilalim ng ulo niya. Parang nakaunan siya sa braso nito. Nahirapan siya huminga. Bakit parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya ng magdikit ang kanilang katawan. Lumalakas ang pagkabog ng dibdib niya. Sa takot at kaba ba iyon? Huminga siya ng malalim. Mas lalo pang nagrigodon ang dibdib niya ng hinapit pa siya palapit lalo. Niyakap siya nito sa beywang. Ang mukha niya na nakasiksik na sa matipunong dibdib ni Zeki. Breath in. Breath out. ang gawa niya. nauubosan na siya ata ng oxygen sa baga niya. "Sleep. I can hardly hear your breathing, wifey. I'm not doing anything to you---unless you want it too. So, sleep.." napapikit siya ng mariin dahil para siyang nakiliti ng marinig ang baritone voice nito. Why his voice sounds so familiar? pag ganun kalumanay ito magsalita parang ibang tao ito. Lumipas ang ilan minuto, narinig na niya ang magaan na paghinga ni Zeki. He snored a little, kaya alam na niya tulog na ito. Hindi na siya kumilos. Hinayaan na lang niya ang sarili nakayapos sa binata hanggang sa dalawin na rin siya ng antok. ◥◣‸◢◤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD