CHAPTER 8

1445 Words
Dumating ako sa apartment at agad na pinuntahan ko si Zi sa kwarto niya, natunaw na tuloy 'tong ice cream na binili ko para sa kanya dahil sa asungot na Kino na 'yon. "Zi, may binili ako sa'yo kainin mo." I opened the door at nakita ko lamang siyang nakahiga sa kama. "Sophie... ang sakit, sabi niya mahal niya daw ako pero nakita ko sa picture na may kahalikan sa bar habang wala ako." She cried so hard. "Shhh..." I hugged her tight, para maramdaman niya na andito lang ako. "Sige na kainin mo na 'to natutunaw na." She smiled at me bitterly at agad ko naman inayos 'yong buhok niya. "Nakausap mo na ba?" I asked her again. "Hindi," naiiyak niyang sabi. "Ayoko siyang kausapin." She burst her tears again. Lumabas ako ng kwarto niya at nagluto para sa tanghali namin at agad akong bumalik sa kwarto ni Zirah para ibigay 'yon. Tahimik lang siya kumain na sinabayan ko naman siya. Alas 5 pa ang uwi nila at mamaya pa din naman ako susunduin ni Kino dito. Mag alas kwarto na at naka higa lang ako sa kwarto ni Zirah habang nag kwento siya tungkol sa nangyari sa kanila. Umabot pa tuloy kami ng ilang oras sa pag uusap tungkol sa kanila ni Chad. Naintindihan ko naman siya, pero kailangan din nilang mag usap para maintidihan din nila ang sides nila sa isa't isa, baka maayos pa. Dahil sa kwento niya ang babae naman daw ang humalik kay Chad. KINO Otw. Agad naman akong napa kurap dahil umilaw ang cellphone ko, at kita sa screen ang pangalan ni Kino na agad naman kumunot ang noo ni Zirah dahil doon. "Saan ka pupunta?" "Hindi ko din alam e. Sige mag bibihis lang ako, babalik lang ako ah." Paalam ko sa kanya. "Close kayo ni Kino?" "Hindi naman. Mamaya ko nalang ipapaliwanag sa'yo ha?" I smiled at her before heading towards the door. "Okay ka lang ba dito?" napahinto ako sa malapit sa pintuan at nilingon ko siya. Tumango lang siya at alam kong uuwi na din naman sila Kirsten at Faye dito, kaya pwede ko lang iwanan si Zirah dahil dadating na naman sila ngayon, siguro. Bumaba ako at saktong nakasalubong ko naman sina Faye at Kirsten na paakyat na. "Oh, Sophie. May lakad kayo ni Kino?" Kirsten asked. "Ah, oo niyaya lang." "Uy, ikaw ha! Ano na 'yan?" Tanong naman ni Faye habang tumawa. "Wala lang 'to ano ba kayo, oo nga pala si Zirah paki alagaan please... brokenhearted ang babaeng 'yon." Pag papa-alala ko naman sa kanila. "Yes, don't worry," "Mag ingat ka baka ikaw na 'yung ma broken sa susunod!" Sigaw naman ni Faye habang paakyat na sa taas. I just rolled my eyes because that will never be happen, I know myself very well na hindi mag kakagusto kay Kino. Yes, may mukha siya, mayaman, pero ewan ko nalang sa ugali niya medyo suplado. Kaunti? Naabutan ko ang sasakyan ni Kino nakaparada sa baba at nasa labas siya at may kausap sa cellphone. Lumapit ako sa kanya at noong napansin niya ako ay agad niya naman binaba ang cellphone niya. He wear a Black T-shirt and a white cap sakto sa suot ko na black fitted dress at white shoes. He look so serious while looking at me mukhang hindi na siya malungkot ngayon ah. He looks so different now. "Hello." I wave at him. "Hi!" maikli niyang sagot at binuksan ako ng pinto. Pumasok ako sa loob at naamoy ko kaagad ang pabango niya, gusto kong hanapin ang pabango na 'to pero nahihiya akong tanungin siya, baka sabihin pang feeling close ako. "Saan tayo pupunta?" "Sa bahay," "Ha? Sa.... sa bahay niyo?" Aligaga kong tanong. He didn't talk for a minute at tumingin lang sa daan habang nag da-drive. Sa bahay ba talaga nila kami pupunta? Ano namang gagawin namin doon. "Kidding aside, mag uusap tayo." He said after a couple of minutes. "Tungkol saan?" "Tungkol sa atin." He paused. "'Yung tungkol sa deal natin." "Saan naman tayo mag uusap? Pwede naman sa Café 'diba." Natahimik siya at hindi na din ako nagsasalita dahil mukhang wala yata siya sa mood ngayun para kausapin. Mahaba ang byahe na umabot ng halos isang oras. Huminto ang sasakyan niya sa isang restaurant at pumasok kami doon. "Ano 'to? Bakit dito?" Panimula ko. "Bakit hindi? I'll treat you dahil magsisimula kana sa trabaho mo." Ngumisi siya sa akin bago sabay kaming pumasok sa loob. "Trabaho na walang sahod, matatanggal din naman ako sa susunod na linggo." "I don't think so. We're on the same circle of friends kaya magkikita lang tayo." "Huh? Parang hindi naman." "For you," he said. "So ano na nga 'yung rules natin sa isa't isa?" Pag iba ko ng topic."Ako na mauna!" tinaas ko ang kanang kamay ko. "Rule number one, bawal mo akong hawakan sa bewang dahil nagiging uncomfortable ako gaya ng ginawa mo kanina." I raised my eyebrows. "Okay, but, I don't have any rules. Is that okay? Basta maging malapit ka lang sa akin lagi." "Bahala ka, rule number two huwag mo sasabihin sa mga kaibigan mo 'to." "Of course." He nodded. We become silent for a minutes and bago dumating ang order tiningnan lang namin ang isa't isa. Nagsimula na kaming kumain habang nag uusap ng kung ano-ano. He's pretty interesting dahil andami niyang kwentong dala. He made me laughed a lot. Hinatid niya ako sa apartment at halos tulog na silang lahat, dahil alas otso na ako dumating dahil may pinuntahan pa kaming park kaya nagabihan na tuloy ako pagdating. Nagbihis na lang din ako ako at natulog. He texted me in the morning na pupunta ako sa BIU para simulan na ang pinag usapan namin, kaya pagkatapos ng klase I directly went to BIU. Nauna nang umuwi si Zirah dahil ayaw niyang makita si Chad kaya naintindihan ko. "Sophie?" Boses ng lalaki habang nakaupo ako sa bench ng BIU. It was Neo, with his friends, of course andito din ang lalaking mukhang hindi tao. "Hi, Neo nice to see you again." I greeted him. "Hindi sumama si-" Hindi natuloy ang sinabi niya dahil agad na hinampas ni Chad ang braso niya. "Sophie, how is she?" Lumapit si Chad sa akin. "She's okay, what did you do, Chad?" "Sophie, I didn't do anything. It was a mistakes, I... I never cheated on her." He shook his head. "She said you cheated on her. And I don't want her to feel the same pain she felt before, but feel free to explain your side naman." I said. " Tell me the truth." Umiwas ako ng tingin at tumabi si Kino sa akin. Chad explain to me everything at hindi ko alam kung totoo ba lahat ng ito, he's a nice guy at gusto ko siya kay Zirah. Pero ayoko na makialam sa problema nila dahil sino ba naman ako para makialam, I just want a better man for Zirah. "I'll fix this, Sophie. Pwede ba akong pumunta mamaya?" He asked. I just give him a nod dahil wala namang bawal sa apartment namin kahit sino naman pwede pumunta doon. I know Zi, she love Chad so much dahil crush na niya ito simula noon pa. Pumunta kami ng cafeteria kung nasaan si Tanya kasama 'yung mga kaibigan niya at agad naman kaming umupo sa bakanteng upuan. Kami lang dalawa ni Kino ang andito dahil 'yung tatlo may pupuntahan daw. "I'll just order." Paalam ni Kino at agad naman tumayo, I just give him a nod. Bumalik si Kino na may dalang tray na may pagkain, nahihiya ako dahil 'yong mga ibang studyante tumitingin sa amin. Baka sabihin na nila malandi ako dahil basta nalang pumasok ako sa BIU para lang makipag-kita sa lalaki. Bahala na sila. May lumapit na lalaki sa lamesa kung saan si Tanya naka upo, and it was the same guy we saw yesterday with her. Agad naman tumayo si Tanya at nagpa alam sa mga kaibigan niya, tinapik ko si Kino para tingan niya si Tanya. "What?" Kumunot ang noo niya at gad lumingon. He's smile faded as soon as he saw the guy hold Tanya's hand while walking. Sabi ko na nga ba mag jowa sila. "Who's that, Kino?" Natahimik siya bago nag punas ng bibig at tiningnan ako bago may sinabi siya na agad kong ikinatuwa. Hindi pa nagsisimula ang trabaho ko pero agad na itong natapos agad, how lucky I am! "Let's end this! I don't want to do this anymore, I'm done." he shook his head before walking away. Kahit ako din naman ayokong gawin 'to, napililitan lang din ako dahil naawa ako sayo. Naawa lang ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD