CHAPTER 15

2672 Words
"YES, I LIKE SOMEONE." So, what now? He like someone already so you should move on, Sophie! Right, he likes someone na kaya mag mo-move on nalang ako. Mga salita na pumapasok sa utak ko pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. "Yooowwww sino ba 'yan name reveal naman dyan" sigaw ni Chad habang tinaas ang baso. "I think kilala ko 'to?" segunda naman ni Neo. I could feel a pang in my chest and I don't like it, na parang gusto ko nalang isipin na ako 'yung gusto niya. I wish I was her. Napuno ng hiyawan ang paligid at pati ako ay nakisabay sa tawa nila dahil baka mahalata na apektado ako. Umikot ang bote at napunta iyon sa akin, randam ko na nangiginig na 'yung kamay ko sa kaba kung ano ba ang itatanong nila sa 'kin. Pero handa ako. "Okay, Sophie do you have someone in your heart right now?" Chad said. "or someone you like." Yes, and he's now in front of me, Kino. Gusto kong sabihin na si Kino ang gusto ko, siya lang ang gusto ko, siya lang ang laman ng puso't utak ko ngayon. Pero paano ko ba sasabihin 'yun sa kanya. I took a deep sighed and cleared my throat before I answer the question. "YES," maikli kong sagot. "OMG! girl sino 'yan kilala ko ba?" Mabilis na hinarap ako ni Zirah na nakangiti at inaalog ang balikat ko. "You don't." "Ouch, may gusto pala! Sige ituloy na natin 'to." Sabi ni Chad. malungkot ang boses na sabi ni Chad na kaagad tumingin kay Kino at natatawa. Nagpatuloy ang pag ikot ng bote at halos lahat na ang naka sagot. Sa huling ikot ay napunta ulit 'yon kay Kino kaya siya ang tinanong ni Chad para sa huling sagot. "Okay dahil last na 'to hindi kana sasagot ng Yes or No. Pero sabihin mo sa kaharap mo ang nakakatawang joke na alam mo, at dapat mapangiti mo siya." Kino look at me dahil ako naman ang kaharap niya ngayon, hinihintay ko lang na sabihin niya sa akin ang joke na alam niya. "Go bro kaya mo yan!" Support ni Neo sa kaibigan. "Take your chance!" Sigaw ni Ralfh. "I'll think muna wait." Ngumiti siya at hinawakan ang taenga niya na namumula na. "We'll give you 30 seconds bro siguraduhin mong ngingiti ang kaharap mo." Saad ni Chad. He look at me na halos matunaw na ako sa titig niya, tapos nagsalita ulit siya."Okay I'll make sure matatawa ka." He chuckled. "Sophie, magagalit kaya ang Palawan, kung sa ngiti mo ako mag papadala?" I didn't laugh like everybody instead I can feel my face heated when he said those words na agad napangiti ako. I know I'm fall deeper more than I thought. "'Yun oh ngumiti, grabe kana bro!" Hinampas siya ni Ralfh habang tinuro ako. Umiling ako at tumawa dahil nag hampasan na ang katabi ko sa isa't isa. While Kino is still laughing with Ralph na agad na napangiti ako dahil doon sa ngiti niya. He look so handsome! Natapos ang laro at natulog na si Lev kaya pumunta ako sa sa may maliit na kahoy na pwede kong maupuan. sa lakas ng hangin na dumapo sa balat ko at ang tunog ng alon sa dagat ay ramdam ko ang payapa ng paligid. I saw kino and Chad na nag kwentuhan at hindi ko mapigilan na mapangiti sa tamis ng mga ngiti niya, he's glowing right now unlike before. I took a deep sighed at binalik ang tingin sa alon na humahampas sa harapan ko. "Gusto mo?" Tumabi si Zirah sa akin na mag dalang junk food. "Hindi baka magka UTI na naman ako ikaw nalang." Ngumiti ako sa kaibigan ko na ngayon ay tahimik na pinagmamasdan ang dalawang lalaki. Tumayo si Kino na kumuha ng isang lata na beer sa cooler at agad na bumalik sa pwesto kung saan si Chad naka upo. "Siya ba?" Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin sa akin at dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Sino?" maikli kong balik na tanong sa kanya. "Gusto mo siya?" Mahinang sabi niya. Agad na pumasok sa isip ko si Kino na agad ko namang nakuha ang tanong niya. She probably knows me well kaya natanong niya iyon. "You think I like him?" "Alam ko Sophie, kilala kita at kita ko kung paano mo siya tingnan." hinawakan niya ang kamay ko at agad akong hinaplos ang braso ko na naka harap siya sa akin. "You don't have to hide that from me, Sophie. Mukhang gusto ka rin naman niya!" Mahina siyang natawa sa sinabi niya. "He likes someone else, Zi," I said. "What if you're that someone, Sophie?" "Ano ba Zi! huwag mo akong paasahin baka umasa ako at masaktan lang HAHAHA." Agad ko siyang hinampas dahil sobrang seryoso naman niya, alam kong hindi siya ganito. "Hindi kita pinaasa. Nakikita ko gusto ka din niya, kita ko paano ka niya tingnan." Pagkatapos ng usapan nagpaalam si Zirah na matulog na at niyaya pa niya ako na pumasok pero sinabi kong susunod lang ako. I was thinking about what she said, totoo kaya 'yon o baka naman kapag maniniwala ako sa kanya masasaktan lang ako. Baka nag bibiro lang siya dahil gano'n naman siya palagi. Umalis na si Chad sa tabi ni Kino siguro natutulog na din siya. at sumunod naman si Kino pumasok sa tent nila, ako nalang yata maiiwan dito mag-isa. Ilang minuto pa ay naramdaman ko ang mga tapak sa gilid ko, bago ko siya makilala nang nag salita na siya. "Bakit hindi ka pa natulog, malamig dito." Nagulat ako sa narinig ko dahil sa lalim ng boses niya na agad nag init ang taenga ko. "Hindi ako makatulog." Tumabi siya sa akin at inabot niya sa akin ang jacket na hawak niya."Isuot mo baka magka sakit ka, malamig." Tahimik kaming dalawa at walang nagsasalita, tanging ang alon lamang ang narinig ko at ang buntong hininga niya. Ilang minutong katahimikan pa ang lumipas bago siya nagsalita. "You said earlier allergic ka sa basketball player, why?" Ano namang klaseng tanong niyan Kino. Naalala ko na sinabi ko pala 'yun kanina sa kanya habang nabibiro siya sa akin. "Naalala mo 'yon? Kalimutan mo na 'yun" mahina akong natawa. Bakit naman natanong niya 'to nahihiya na tuloy ako sa kanya. "Who's the lucky someone?" Magagalit ka ba kapag binalik ko ang joke mo sa akin Kino? What if sasabihin kong ikaw 'yong someone na sinasabi ko, lalayo kaba sa akin dahil may gusto ka na ding iba? "Ikaw...muna sino din 'yon?" Binalik ko ang tanong sa kanya but I already answered his question. Ikaw Kino, ikaw 'yon. Ikaw 'yung gusto ko. Mahina siyang natawa at humawak sa taenga niya bago umuling. "You don't really like basketball players?" Gusto naman basta ikaw 'yung basketball player na 'yon. "Depende din," "Gusto mong malaman kung sino siya?" He look at me intently and I know my face right now is burning red. "Wag nalang ayaw mo naman pala sa basketball player." Lumingon siya sa kabilang pwesto at mahinang ngumiti. "What do you mean?" I bite my lower lips to stop from smiling, bumilis ang t***k nang puso na parang gusto ko nalang tumakbo dahil baka marinig niya ito. "Do you want to give it a try?" Lumingon siya sa akin at halos magka dikit na ang mukha namin sa lapit. Naaamoy ko na ang ininom niya kanina pero hindi ako lumayo. "Try what?" "Me?" Mabilis siyang sumagot na nakataas ang kilay niya sabay ngumiti na halos lumabas na 'yong puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. "You?" Kahit na alam ko na ang gusto niyang sabihin pero gusto kong linawin niya 'yon. Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko na agad tumingin sa mga mata ko. OMG! ito naba 'yun? "I want you to know that you're that someone I like, Phia." "Kino," Umawang ang bibig ko sa sinabi niya na halos hindi ko na marinig ang ingay ng alon sa harapan ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya tanging pangalan niya nalang ang naisagot ko. Tiningnan ko siya nang mabuti kong seryoso ba siya sa mga sinasabi niya, at tama nga ako, totoo lahat ng pinakita niya sa akin noon pa man. "Hindi pa ba klaro sayo Sophie? I like you so much!" He hold my face and look into my eyes. "Are you really serious?" Ngumiti ako. Tumango siya ngumiti, hinawakan niya ulit ang kamay ko, I can't think of anything but one thing I am for sure is my heart is filled with joy right now. Finally! Hindi na ako nag e-expect totoo na 'to. Gusto niya ako. "May sasabihin din ako sayo." ngumiti ako at hindi inalis ang pagka hawak niya sa kamay ko. Tahimik lang siyang nag hihintay sa sasabihin ko habang hindi niya inalis ang tingin sa mukha ko. "What is it?" "I like you, too." I finally said it. I close my eyes out of embarrassment dahil ngayon lang ako umamin ng ganito. Kahit pa man naisip ko parang sobrang maaga pa para sagutin ko siya pero wala eh, mahal ko na din siya at alam kong mabuti siyang tao. I can see his genuine feelings towards me, and I will never doubt this man. "I know." Tumawa siya sa akin kaya agad ko siyang hinampas. Kumunot ang noo ko at nagtaka sa sagot niya walang salitang lumabas sa bibig ko sa kabila ng mga tanong na gusto kong itanong sa kanya. "Hmmm?" "I made you fall for me." He chuckled. "Can we give it a try, Sophie?" He changed his voice into a soft one when he asked me that question that made my heart beat so loud. Tumango lang ako sa kanya dahil hindi ko alam ang isasagot ko at ngumiti. Bakit ko pa ba patatagalin kong hulog na hulog na ako sa kanya. "Really?" ngumiti siya sa akin, na halos umabot na sa tenga niya bago niya ako hinalikan sa noo. Pagkatapos ay ipinulupot niya sa akin ang kamay niya at agad naman akong humiga sa balikat niya habang nag kwe-kwento siya sa akin. "I love you, Phia," He says. I didn't reply. Galing sa pagkahiga ko sa balikat niya ay dahan-dahan akong tumingala sa kanya. Nagtama ang mata naming dalawa at kahit isa sa amin ay hindi gumalaw. Dahan-dahan niyang inabot ang hibla ng buhok ko na naka harang sa mata ko at inilagay iyon sa likod ng taenga ko. Nag tinginan lang kami habang ang mata niya ay dahan-dahan na pumunta sa labi ko bago siya nag tanong. "Can I kiss you?" He look at me intently before he hold my hand. Agad akong tumango sa kanya. Habang dahan-dahan na nag kalapit ang mukha namin bago niya ako hinalikan. Agad akong napakurap nang mag lapit ang labi namin, at kahit isa sa amin ay walang gumalaw. May kung anong gumagalaw sa tiyan ko, habang magka dikit ang mga labi namin bago niya inilayo ang mukha niya sa akin. Bumalik ako sa tent pagkatapos ng nangyari sa amin. Nakatulog na si Zirah at Lev kaya tumabi ako kay Zirah at kahit anong pikit ng mga mata ko ay hindi talaga ako makatulog. That was my first kissed and he's now my first boyfriend. OMG! am I dreaming? Baka pag nagising ako panaginip lang pala ang lahat na 'yon. Kinaumagahan nang magising ako ay wala na sa tabi ko si Zirah at Lev, maaga na siguro silang nagising. Lumabas ako sa tent at nakita kong naliligo si Zirah at Chad at nag hahabulan si Lev at Neo ay nag luluto ng inihaw para sa agahan kasama si Neo. And of course si Kino ay nag aayos ng tent at inilagay na sa sasakyan, uuwi na pala kami ngayon. Parang pumunta lang kami dito para sa confession na nagyari kagabi. Nang mapansin niya ang presensya ko ay agad siyang kumindat na siyang dahilan para magising ang mga paruparo sa tiyan ko. Lumapit siya sa akin at ngumiti habang abala ang ibang mga kasamahan namin. "Good morning, girlfriend?" Malaki ang ngiti niya na parang nang aasar. "Good morning?" Nahihiya kong balik na ngiti sa kanya. "Naka tulog ba ng maayos ang girlfriend ko?" Tiningnan niya ang mata ko at sabay na ngumiti at hinagod ang buhok ko. Girlfriend is sounds so good. Hindi nga panaginip, totoo nga ito. Napansin ba niyang hindi ako nakatulog dahil sa mata ko? Shockss nakakahiya! Hindi ako natulog nang maayos Kino, kung alam mo lang na nakangiti lang ako buong gabi dahil sa 'yo. Pero shempre nakakahiya naman na sabihin sa kanya 'yon baka sabihin nilang patay na patay ako sa kanya. Agad akong tumango at nagpa alam na pupuntahan ko si Zirah. Nagpatuloy naman siya na tatapusin ng pag liligpit ng mga tent. "Good morning, Beh!" Malaki ang ngiti ni Zirah habang umahon sa dagat sabay pumunta sa akin at yumakap. "Ang aga-aga naman hindi ka ba nilalamig?" Kunot-noong tanong ko. "Hindi naman, gusto mo bang maligo? Tara!" Hinila niya ko papunta sa dagat at naglalaro kami na parang mga bata. Nang tinawag na nila kaming kumain ay agad na nagbihis kami para pagkatapos ay uuwi na. Tabi kami ni Zirah habang kumakain dahil nahihiya akong tumabi kay Kino dahil hindi naman ako ganoon ka comfortable pa sa kanya physically at shempre hindi pa din nila alam na kami na. "Anong oras ka bang nakatulog kagabi beh? Nakatulog nalang ako parang hindi ka pa pumasok sa loob." Malakas na tanong ni Zirah habang kumakain siya. "Oo nga! anong oras na kayong natulog bro? Parang umaga na din kita napansin na pumasok sa tent." Sabi naman ni Neo sabay tinuro si Kino. "Sumunod ako sa 'yo, tulog na tulog ka na nga kaya hindi mo na ako napansin pumasok." Palusot ko naman sa kanya. Tiningnan ko si Kino habang kumakain habang malaki ang ngiti nang aasar na naman siya. Mamaya ka lang talaga sa akin. Inirapan ko siya dahil naiinis ako sa kanya at pagkatapos kumain ay nag impake na ako para umuwi. Sa sasakyan lang din ni Kino ako sasakay at nauna na sila Zirah na umuwi habang naiwan kami dito dalawa at susunod lang daw kami. "Una na kami bro! Susunod lang kayo?" Sigaw ni Chad papunta sa sasakyan. Lumingon si Zirah noong narinig niya yun at binigyan niya ako ng 'Ayyeeaahh look' what the f**k talaga. I wore a white sleeveless dress at sandals na itim habang may kinuha pa si Kino na mga gamit na naiwan. Hinubad ko ang suot kong sandals at binasa ko ang mga paa sa dagat habang tumingin sa malayo. I took a picture of my self para maging alaala na nakarating ako dito sa magandang lugar. Habang tiningnan ko ang mga kuha ko ay biglang may yumakap sa akin mula sa likod na agad akong napatalon. "Hoyyy!! Ginulat mo ako!" Ang kamay niya ay naka pwesto sa tiyan ko habang hawak ko ang kamay niya ay hinalikan niya ako sa pisngi. "Gusto mo dito, beautiful?" Tumayo ang balahibo ko dahil naramdaman ko ang init sa aking taenga habang nagsasalita siya. God! Ikamamatay ko ata 'to. "Of course." I smiled while looking at the waves. "Do you want me to take you a picture?" Bumitaw siya mula sa pagka yakap at humarap ako sa kanya at ngumiti. "Pwede?" Humarap ako sa kanya. Tumango siya at agad na bumalik sa mga gamit niya at may kinuha. Pag balik niya ay may dala siyang camera it was DLSR cam na agad niyang inayos. "Ready ka na?" I replied and smiled to him na agad niyang kinunan ako nang mga litrato. Sa hampas ng alon ay halos mabasa na ang damit ko. He went to me after taking a lot of photos at pinakita niya iyon sa akin. "Ang ganda naman ng mga kuha mo!" I said as I saw the photos he took. "Kasi nga maganda ka." Mahina niyang sabi. "Bolero ka talaga kahit kailan." Siniko ko siya. "Hindi ka ba naniniwala? Maganda ka, Phia. Sobrang ganda mo, mahal,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD