CHAPTER 6

1700 Words
"What? Of course not. I don't like you." I sarcastically laughed. Nahihibang na ba siya, kaka break lang ng ex niya noong isang buwan ba 'yun? Tapos mag hahanap ulit siya ng iba, tapos sa akin pa talaga. Hindi nga ako nagkamali playboy talaga, kunyari sadboy pero may pinaplano na pala. He took advantage ba sa mga pinag gagawa ko sa kanya kagabi, or baka naman crush niya ako. He look at me. "I don't like you either." He chuckled a little. Ay hindi pala. "So? Wala akong pakialam, hindi din naman kita gusto. Tapos aalukin mo ako ako na maging jowa mo, no!" Pinanlakihan ko pa siya ng mata. "Hindi mo nakuha. I mean Let's just pretend to be a couple, para naman makabawi ka sa akin sa nagawa mo 'diba as simple as that." Humawak siya sa batok niya. "Hindi kita type kaya 'wag kang assuming." Wow! Halata ba? Hindi ko naman din siya type gwapo lang siya pero suplado. Tiningnan ko ang mukha niya na nakatingin lang din sa akin, nag aabang ng isasagot ko. "Are you... really serious or what?" He's playing with me, obviously. "Yes, I'm serious, I'll explain to you everything." He's face suddenly change, mukha na nga siyang seryoso ngayon. "You mean you want me to be your fake girlfriend and act like a real girlfriend in front of your ex?" I pointed my self. Tumango siya at hindi nagsalita. Nakaka uto ba ang lalaking 'to? Well hindi ako mauuto sa kanya. Gets ko na. "Ayoko, kaya!" I crossed my arms. "Sophie, please. I will do everything para lang mapag bigyan mo ako, I really want to take her back or.... at least make her jealous. And I can do that with your help, just please be my girlfriend ." Pagmamakaawa niya. Hindi niya inalis ang tingin sa akin, nagmamakaawa ang mga mata niya. Pero bakit ako, bakit sa akin siya lumapit. I know I'm pretty enough to make his ex jealous and if that happen she would probably jealous. But I won't do that, duh! Pero what if siya pala si Kino na nakilala ko, what if if I will do this mas makikilala ko siya ulit. Forget it, Sophia. "I understand you, Kino. Pero pag iisipan ko muna. I can't promise you anything, but I want you to know that I'm always willing to help you, kahit hindi tayo mag pretend okay? Hindi ko kaya 'yon" Agad ko naman binawi sa kanya ang bag habang nang d-distract siya sa sinabi ko. He looks so sad pero kahit ganun siya mukhang mayabang o mukhang playboy may itsura naman siya. Kung hindi lang siya suplado baka naging crush ko na din 'to. Halos lahat kasi ng classmates ko kilala siya, he's a Basketball player na palaging tinitilian ng mga babae, kaya bakit naman iniwan 'to ng babae. I don't want to be a sub girlfriend. Sino naman may gusto no'n, tumayo siya para mag order, tinanong niya ako kung anong gusto ko sabi ko nalang kahit ano dahil nag iisip ako. Pero bakit ko naman pag iisipan kong hindi ko naman gusto. A part of me says I should do this to know him even more if he's that kid, Kino I met. But also a part of me says he's not that Kino, so don't accept this stupid proposal, Sophie or else you will regret. Pagka balik ni Kino may dala siyang kape at sliced ng cake, agad naman niyang nilagay ito sa lamesa. Tumingin siya sa pintuan na may pumasok na mga babae, The girl in a white crop top looks so familiar to me. "Baby, eat this." Kumuha siya sa kutsara at kumuha ng cake bago inabot sa akin. Lumaki ang mata ko sa ginawa niya. "Are you full, my love?" He smiled. "Kain kana please." "What are you doing?" I whispered to him, nahihiya ako dahil tinitingnan kami ng mga babaeng kakaupo lang sa tabi namin. He still hold the cake at hinawakan niya ang kamay ko gamit ang isang kamay niya. "That's Tanya, my ex-girlfriend" Tumingin siya sa kabilang table kaya nakatingin din ako. Binaba niya ang hawak niyang kutsara at hinawakan ang mga kamay ko bago siya nagsalita. "May lakad tayo bukas, my love. Baka makalimutan mo." He looks nervous and his eyes can't lie he's in pain, but he can still manage to smile infront of me. Bakit basta na lang sumakit ang puso ko nang wala sa oras. Nag tatalo ang utak ko sa sinabi niya kong ano bang dapat kong isasagot. Wala sa sarili na bigla nalang lumabas sa bibig ko ang hindi naman dapat lumabas. "Of course not! Why would I, love." I smiled at him and hold his hands in the table. Pag sisisihan mo 'to Sophie. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya, ewan ko pero naramdaman ko nalang ang batang nakaharap ko dati 13 years ago. Na pinilit kong pangitiin kahit na ayaw naman niya sa akin pero sa huli ay ngumiti din. "I can't do that anymore, Kino! Hindi ako sumang-ayon sayo, ha." Lumabas kami sa Café at ngayun ay medyo distansya na. "Please, I can do everything, I can give you everything. Papayag ka lang." He smiled bitterly at me. "Kahit anong gusto mo basta tulongan mo lang ako." "Look, gusto kitang tulungan pero hindi sa ganitong paraan, ayokong magpanggap sa ibang tao." Sagot ko sa kanya. "Ano ba ang tingin mo sa akin." His face suddenly change. "Pero ginawa mo na, bakit hindi natin 'to ituloy, two weeks lang please..." "You're crazy." I rolled my eyes. I mean it's just two weeks madali lang naman 'yon pero at some point ayoko na ginagamit. "I'll text you. Give me your number." I handed my phone to him. "Naka save na po." Binalik niya agad ang cellphone pagka tapos. "Pag iisipan ko," Dumating ako sa apartment ma walang tao sa loob. I charge my phone dahil lowbat na. Gusto kong alisin ang pinagusapan namin kanina dahil ayoko, ayoko na magpanggap. Bakit ba kasi ako, marami namang ibang babae sa campus nila bakit ako pa. Dumating sila na may dalang pagkain, kaya dali-dali akong bumangon. Busog pa naman ako dahil sa cake na kinain ko kanina pero shempre it's pizza paborito ko kaya 'to. "Nakuha mo na ba 'yung bag mo?" Tanong ni Kirsten. Tumigil ako sa pagkain dahil naalala ko 'yung sinabi ni Kino kanina hindi na tuloy ako makapag-isip ng maayos. "Yup. Nakuha na." "Bakit ganyan ang mukha mo, may hindi kaba sinasabi sa amin?" Pinagtitinginan ako ni Faye at Zirah. "Wala naman bakit?" I lied. Tumayo si Faye para kumuha ng tubig habang nagpatuloy lang ako sa kinain ko. "Hangover ka pa siguro, matulog ka ulit." Pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang nag iisip, gusto ko siyang tulungan naawa kasi ako sa kanya. Pero shempre hindi sa paraan na gusto niya, sa dami ng option na pwede niyang gawin bakit mag hahanap siya ng babae para makuha niya ulit si Tanya. I will ask Zi about this or 'yung ibang kaibigan ko, pero baka ano na naman 'yung sasabihin nila. Right bakit ko nga ba tutulongan si Kino na hindi ko pa nga siya masyadong kilala. Dumating ang lunes at halos buong araw 'yung sinabi lang ni Kino ang nasa isip ko hanggang umuwi ako sa apartment. Gusto ko nang sabihin sa kanila para mabigyan nila ako ng advice kung ano bang gagawin ko. Pero hindi ko parin nagawa ilang beses ko nang sinubukan sabihin. Mabilis lumipas ang linggo habang ako ay naiwan pa rin sa nakaraang lingo, Pumunta kami ni Zirah pagkatapos ng klase sa BIU dahil manonood daw kami ng basketball, may event daw kasi ang BIU ngayun kaya at kasama si Chad doon. "Let's go, Phoenix! Let's go, Phoenix!" Nakakabingi na hiyawan ng mga tao sa paligid dahil halos mga classmates ni Chad ang katabi namin. May bitbit silang banners at headband para mag cheer sa team nila. "Sinong kalaban nila?" Tanong ko Kay Zi. "Ewan ko mukhang senior ata nila." Sagot niya habang may bitbit siyang tumbler sa kamay. "Woahhhhh... Let's go Chad! Babycakes!" Sigaw niya. "Ang corny ng babycakes!" Saway ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at binigyan niya ako ng masamang tingin. "Inggit ka lang talaga." Tumawa siya. Magsisimula na ang laro at lumabas na ang mga team sumigaw na si Zirah noong tinawag na ang mga players kasama si Chad. Number 2 Alvarez Number 10 Husian Number 12 Ramirez Pumunta sila sa gitna kasama ang buong team nila para maglaro, ang mananalo ngayun ay aabante na sa Semi-finals na makakalaban ang iba pang pasok sa Semis. Kapag naka shoot si Chad sumisigaw si Zirah at hinahampas ako at tinataas niya ang maliit niyang banner. "Beh tingnan mo, ang galing ng babycakes ko. Woahhhh!!" "I know, Zi! Tumahimik ka dahil ang sakit sa taenga." Sagot ko naman sa kanya. Ang score ay favor parin sa kanilang team at nang nagsimula na ang fourth quarter halos hindi na umalis si Kino at Chad sa laro. Magaling naman talaga sila sa basketball dahil simula first year pa sila ay lagi na silang nananalo sa laro, kaya mas lalo silang nagustuhan ng mga studyante dahil sa husay nila. "Cr lang ako saglit Zi!" Pagpaalam ko kay Zirah dahil malapit na din naman matapos. "Wait sabay na tayo pag katapos na nito. wait lang ilang minuto nalang." Hinawakan ako ni Zirah para manatili lang sa pwesto ko. Bumaba kami ng stages dahil tapos na ang laro at nag sialisan nadin ang mga tao sa loob ng court, patakbong lumapit si Zirah kay Chad habang nagpupunas si Chad ng pawis, at agad naman itong niyakap ni Zirah. "Baby angaling mo." She hugged him tight. "Oo naman. Magaling talaga ako!" He even flakes his biceps. Tumingin si Kino sa akin ng mapansin ang presensya ko, at agad naman siyang lumapit sa akin habang nilagay ang tubig niya sa baba. "Hi." He smiled at me. "How are you?" He added habang nagpupunas ng noo. "Okay lang naman, ikaw? Congrats nga pala." Nahihiya kong sabi. "Thanks. any update?" He asks. "Huh? anong update." I'm confused. "'Yung napag-usapan natin, kung papayag ka ba maging girlfriend ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD