Nang magising ako sa umaga ay agad akong bumangon para maligo dahil susunduin ako mamaya ni Kino para maki pag meet sa mama niya. Medyo kinabahan ako dahil bata palang naman ako noon nung na meet ko ang mama niya.
Humarap ako sa salamin sa banyo at tinali ko ang buhok ko para mag hilamos muna. Lumabas ako ng banyo para kumuha ng tuwalya para maligo. Naabutan ko si Kirsten na kakagising pa lang medyo maaga pa naman 5:30 palang pero gumising na ako para maka pag ayos pa din. Susunduin ako ni Kino ng alas otso kaya marami pa akong time para mag ayos ng sarili.
"May lakad kayo ngayon?" she asked me.
"Yes, pupunta kami sa kanila mamaya." Excited kong pagka sabi sa kanya.
"Sophie, I am very happy for you. You two are so adorable, stay in love." tinapik niya ako. "Grabe parang noong nakilala kita lagi mong bukambibig na ayaw na ayaw mo magka boyfriend ng basketball player." Tumawa siya.
"Kirsten naman, 'wag mo na ipaalala."
"Hindi lang kasi alam ko ang taas ng standards mo sa lalaki, at ma swerte siya dahil naabot niya 'yon. Deserve niya naman dahil nakikita ko kung paano ka naging masayahin kapag pinag uusapan siya."
"You're right, hindi ko din 'yun inakala na basta nalang nahulog ako sa kanya without any doubt kung ano siya, sino siya." Ngumisi ako.
"Right. Sino bang mag-aakala na nagkita na pala kayo dati, 'diba? You two are soulmates and I am rooting for you two. Huwang kayong mag hihiwalay, ah!"
No, never 'yon mangyayari dahil mahal namin ang isa't isa, at kung umabot man sa oras na 'yun ay ilalaban ko pa rin siya hanggang sa huli. Ganun ko siya kamahal.
Sinuot ko ang damit na napili ko kahapon it was a white floral dress na hanggang tuhod. Nag lagay din ako ng light make up na sakto lang ang kulay para naman hindi ako mag mukhang maputla.
KR_Kent0412
On my way.
'Yun ang chat niya sa akin kaya binilisan ko na ang pag aayos sa sarili para kapag dumating na siya ay handa na lahat.
Bumaba ako ng kwarto dahil nasa labas na siya nag hihintay sakto alas otso ang dating niya dito. Naabutan ko siya na naka sandal sa kotse pinag krus ang mga braso kaya lumapit ako. Nang maka lapit ako ay agad siyang ngumiti sa akin at yumakap.
Naamoy ko na naman ang mabango niyang pabango kaya sininghot ko ang dibdib niya para madamay iyon. Ilang segundo pa ay bumitaw siya sa pagka yakap at tiningnan ang mukha ko.
"You're so beautiful, my Phia as always." Ngumiti siya at hinawakan ang mukha ko.
"Tara na baka ma late tayo,"
Binuksan niya ang sasakyan kaya pumasok ako doon at inayos ang damit ko bago niya isara, agad siyang sumunod at umupo sa tabi ko bago niya ako nilingon.
"Where's my morning kiss?" tinuro niya ang pisngi niya.
Sumimangot ako. "Kino naman ma late pa tayo nito." Reklamo ko sa kanya.
Tumawa siya, "Ma la-late talaga kapag walang morning kiss."
Wala akong magawa kaya hinalikan ko ang pisngi niya para mag mamaneho na siya at baka ma traffic pa kami nito sa daan.
"Lips." He pouted. "I want more,"
Cute.
Hinampas ko ang balikat niya na agad siyang tumawa at sinuot ang seatbelt bago siya nag simulang mag drive.
Habang nasa byahe ay nag kwentuhan lang kami tungkol sa mama niya, masyado akong kinabahan kaya hinawakan niya ang kamay ko para pakalmahin bago kami pumasok sa bahay.
It was a two story house at sakto lang ang laki nito. Bago kami pumasok sinalubong ako ng maliit na aso sa gate na kulay brown, at makapal ang balahibo nito.
"Fuji behave!" he said.
Agad na huminahon ang aso kaya pumasok kami sa malaking pintuan na hawak niya ang kamay ko. Pagkadating namin sa living room ay naabutan ko ang babaeng maiksi ang buhok at itim ang kulay. Nakatalikod siya kaya hindi ko pa nakita ang mukha niya.
Nang mapansin niya kami ay humarap siya sa amin na naka ngiti. Hindi pa rin siya nag bago, ganun pa din ang itsura niya sa pagka alala ko ganitong-ganito parin ang mukha niya. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Kino dahil dinadaga ang dibdib ko.
"Andito na kayo?" naka ngiti niyang sabi.
Humarap sa akin ang babae kaya pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Oh, Sophie we meet again." lumapit siya sa akin na naka ngiti.
Nang makita ko ang itsura niya ay biglang nawala ang kaba ko sa dibdib at hinayaan ko lang ang sarili kong maging malaya. Yumakap siya sa akin na walang sinasabi kaya binitawan ko ang kamay ni Kino at binalik ko din sa kanya ang yakap.
"Good morning po," nahihiya kong sabi.
"Napaka gandang bata. Please feel at home, 'wag kang mahiya."
"Thank you po, nice to meet din po."
"Tita. Call me Tita dear, 'wag kang mahiya dahil magiging daughter in law din naman kita."
Nung narinig ko 'yun ay agad akong nahiya sa sinabi niya, sobrang aga pa para doon wala pa nga kaming isang taon ni Kino.
Ngumiti ako sa kanya habang hawak niya ang kamay ko. "Yes po, Tita."
Naka tayu lang si Kino sa gilid habang nakikinig sa usapan namin ng nanay niya. Walang siyang sinabi kahit isa.
Dinala niya ako sofa para mag kwentuhan ng kung ano-ano. Mabait naman ang nanay niya in fairness hindi niya pinaramdam sa akin na ngayon lang kami nagkita ulit dahil sobrang comfortable niya sa akin.
"I'm very happy that you two are together now, Sophie. Dati tinatanong mo pa ako kung gusto ni Ken na makipag-laro tumanda na kayo at masaya ako na nahanap niyo ang isa't isa." Proud na sabi niya.
"Ako din po, Tita. Nagulat din po ako na nakilala ko na pala siya dati" tinuro ko si Kino. "Bago ko lang din po nalaman dahil noong birthday ko lang din niya sinabi."
Umabot ng isang oras ang usapan namin at nilibot din niya ako sa bahay nila para pag bumalik daw ako dito kabisado ko na.
"Nasaan nga po pala si Tito?"
"Nasa trabaho pa si Jhon, mamaya pa ang balik no'n. Kung gusto mo mamaya ka nalang umuwi total mukhang wala pa naman kayong pasok, no?"
"Wala pa po, Tita. Bukas pa po kami mag papa-enroll. Pero ewan ko po kay Kino kung may gagawin siya mamaya."
"May practice kami mamaya." sabat niya.
"Hay nako, sa susunod nalang 'yan ikaw talaga. Ngayon ko lang nga nakasama si Sophie iuuwi mo na kaagad." binato siya ni Tita ng unan kaya panay ang tawa ko.
"Ma, nakakahiya po." reklamo niya na parang bata.
"Sa susunod nalang po kapag hindi na po busy si Tito."
Agad siyang tumango at ngumiti bago siya nag paalam na pumuntang kusina para mag luto daw. Walang silang kinuhang kasambahay dahil ayaw daw ni Tita ng ganun dahil mas gusto niya siya ang mag aalaga ng bahay nila. Nag kwentuhan kami ni Kino habang naka upo sa sofa, at nang pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay nag paalam kami para umuwi na.
Akala ko iuuwi niya na ako sa apartment pero hindi pala doon ang punta namin, kundi sa condo niya ako dinala.