Limang araw na lamang at kaarawan ko na naman. Hinayaan ko na lamang si Gab na mag-aasikaso ng lahat basta ang sabi ko sa kanya ay simple lamang at mga kapamilya at malalapit na kaibigan lamang ang iimbitahan. Nitong mga huling araw ay naging busy si Gab. Bihira na nga lamang kaming magsama sa ma'sion dahil maaga itong umaalis at malalim na ang gabi kapag umuuwi sa bahay. Namimiss ko siya pero alam ko naman na napakabusy lang talaga niya. Nagluto ako ng paborito niyang caldereta at nagpasya akong dadalawin siya sa opisina para sabay na kaming maglunch. Iiwan konna muna si Nathan sa yaya nito. Tinawagan ko si Jelai upang samahan na rin ako sa opisina at para ipagmaneho ako. Wala kasi ako sa mood na magdrive ngayon. Ewan ko nga ba't kung bakit napakatamad ko nitong mga huling araw. "Hop i

