Tatlong araw na ang lumipas nang umuwi sila galing Paris. Naging busy na rin ang asawa niya sa company. Alam niyang marami itong pending na trabaho simula noong nagbakasyon sila sa Paris. Lagi namang maaga ang uwi nito sa bahay nila simula noong dumating sila. Hindi na rin ito binabanggit ang pangalan ni Quinn at hindi na rin siya kinukulit tungkol sa annulment. Aamin niya sa sarili na parang unti-unting nahuhulog ang loob niya sa asawa niya. Lagi rin itong nagtetext o tumatawag kagaya dati noong magnobyo pa lamang sila. Pagdating nito galing trabaho ay lagi itong may dalang bouquet at kung anu-anong pagkain sa kanya. Hindi na siya nagtanong pa rito kung bakit tila naging mabait ito sa kanya. Ayaw niyang umasa at maging paasa. Siguro...sinusulit na lamang nito ang kaunting panahon na

