Kalunos-kunos ang kalagayan ng kanyang daddy sa loob ng ICU. Maraming aparato ang nakakabit sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Ang sabi ng doktor ay under observation pa ito. Lumapit ako sa kanya at niyakap. Kahit si Dad ang dahilan kung bakit kami nagkalayo ni Gab noon ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Siya pa rin ang daddy ko. Kung wala siya ay wala rin ako dito sa mundo. Alam ko na nasaktan rin siya nang malaman niyang nagdadalang tao rin ako noon. Anim na buwan na akong buntis noon nang malaman ko. Akala ko stress lang kaya palagi akong nanghihina dati. Hindi naman ako dumaan sa panglilihi. Dahil puro selfp - pity lamang ang pinagdaanan ko. Nang minsan ay nawalan ako ng malay ay doon namin nalaman na may bata pala sa sinapupunan ko. Simula noon ay bumalik na ang

