THIRD PERSON POV "Oh em gee...I can't believe this. My bessy needs me.!" parang nababaliw na ang dalaga sa pag-aalala sa kanyang matalik na kaibigan nang magising kinaumagahan at tiningnan ang cellphone niya na maraming pumasok na mga mensahe. Naging busy siya sa restaurant kahapon at nang dumating sa mansion nila ay agad na nakatulog dahil sa pagod. Pumasok siya sa CR at naligo. Wala pang 5 minutes ay umalis na kaagad at mabilis na nagsuot ng damit. Hindi na siya nagkaungaga sa pagbihis dahil sa pagmamadali. Mabilis na tinungo ang kanyang sasakyan at pinaharurot ito patungo sa mansion nina Belle. She can't believe that Nathaniel has been kidnapped. Nag-aalala siya sa bata at pati na rin kay Belle. " Oh anong kailangan mo Mr. Daks? Oo totoo ang nasa balita... Anong inaakala mo prank l

