"Anong meron?" tanong niya kina Mercy at Dina na abalang-abala sa pagmemake-up sa sariling cubicle ng mga ito sa loob ng faculty room nila. Katatapos lamang ng morning seesion class niya sa araw na'yon. " Dalian mo na gurl, may faculty meeting tayo with the dean.Andiyan ang anak ng may-ari ng school" saad ni Mercy na pinapahiran ng lipstick ang manipis na "Oo nga gurl, balita ko nga napakagwapo at binata pa raw ng anak ng may-ari!" segunda ni Dina na sinusuklay ang mahaba nitong buhok. "Malay mo, baka mabihag siya sa aking kagandahan!" Napailing na lamang siya sa kadaldalan ng dalawa. Isinuklay niya ang kanyang hanggang balikat na buhok at naglagay ng kaunting lipstick sa labi. Hindi siya mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. Natural lamang ang kanyang ganda kahit walang koloret

