KENJIE CRIMSON A. K. A MR. DAKS POV "Damn, its been six months since I'd seen her! Wala nang mas masakit pa sa nararamdaman ko ngayon. " Hoy ano na Mr. Daks? Hindi ka pa rin naka move-on sa bessy ko? Eh hindi nga naging kayo in the first place huh kaya ano ang pinagdadrama mo diyan " Kahit kelan talaga ay napakaingay ng babaeng 'to. Nandito ako ngayon sa Food Porn Hub Resto nila ni Belle. Simula nang umalis si Belle sa Pilipinas ay palagi na akong tumatambay rito dahil dito ko siya huling nakasama at nahalikan. Araw - araw ko siyang iniisip at tama nga si Jelai para akong tanga dahil nagdudurusa ako ngayon sa babaeng hindi naman naging akin. Tinitiis ko na lamang ang bunganga ng babaeng ito na parang nakalunok ng speaker sa kaingayan. Nakalimang bote na'ko ng beer at unti-unti ko

