Warning! SPG scenes. Nagmumugto ang kanyang mga mata nang nagising kinaumagahan. Halos hindi siya nakatulog dahil buong gabi siyang umiyak. "Goodmorning wifey!" bungad na text ni Gab sa kanya ngunit hindi niya ito nireplyan. Papalipasin na muna niya ang galit at hinanakit niya. Siya rin lang naman ang ipokrita 'di ba? Kagagahan niya ang paghingi ng isang taon kay Gab. But then, parang may bumubulong sa kanya na huwag munang basta-bastang pakawalan ang asawa. Pahirapan muna niya ang dalawa. Paiinisin hanggang sa matigok sa inis ang pinsan niya. Swerte nga naman nilang dalawa kung hahayaan na lamang niya ang gusto nila, Life isn't that easy! Dapat pahirapan muna. Ang sabi pa nga ni BBM, "If you're makin' your enemies angry, then you're doin' a great job because it kills them." Pero

