Chapter 4

2990 Words
Hmmm kumusta na ang bff kong martyr?" usisa ni Jelai habang kumakain sila sa isang restaurant. "Grabe ka naman bes, nagsisimula na naman 'yang lecture mo oh!" "Aba' t hindi talaga ako titigil Althea Belle hangga't hindi ka pa natatauhan sa asawa mo'ng manloloko!" "Hmmm bes, ang sabi nga nila hanggang kaya mo pa at sa tingin mo ay may pag-asa pa ay huwag kang tumigil. I will stop bess kapag wala na talaga!"katwiran niya. " Haysst ewan ko sa'yo. At pinili mo pa talagang maging tanga noh? Humingi ka pa talaga ng isang taong palugit para sa kagagahan mo. Kung ako sa'yo pirmahan mo na at para malaya ka na ulit. Ang sarap maging single bes! Walang stress! " " Sinasabi mo lang 'yan kasi hindi ka pa nainlove kahit treinta ka na! " " At ako pa talaga ang pinagdidiskitahan mo ha? Bahala nang tumanda akong dalaga kaysa naman makakapag-asawa ako ng kagaya ni Gab na hindi makontento sa isa. Pati pinsan mo pinatulan pa. Isa pa' yang pinsan mong malandi ha! " " Ipinangako ko sa sarili ko na babaguhin ko ang nararamdaman niya. I'll make sure na mamahalin niya 'ko ulit bess! " " Spell A-S-A bess? " " Ano ba Jelai? Kaibigan ba talaga kita? " " Bess I' m just tellin' you to wake up. Harap harapan na nga niya sinabi sa'yo na hindi ka na niya mahal eh! Ayaw ko lang na mas masasaktan ka dahil pinatagal mo pa talaga ang pagsasama niyo!" "Ay bahala ka basta ako lalandiin ko siya ulit. Just like a day before, after six months... may nanagyari ulit sa'min!" "Proud ka pa ha? Natural lalake 'yun noh!" "Hayaan mo muna ako bess ha!" "Ikaw ang bahala basta sinabi ko na sa' yo ang punto ko na habang maaga pa ay hiwalayan mo na. Maganda ka bess. Maganda ka pa nga keysa sa higad mong pinsan kaya lang medyo chubby ka lang." "Hoy, chubby pero yummy!" "E di wow! Well... Well... Well! Speaking of your devil husband and his other woman!" ininguso ni Jelai ang dalawang pares na papasok sa restaurant. Hindi maiwasang masaktan habang nakaakbay ang asawa niya sa pinsan niya. They look like a perfect couple. Inayos pa ng asawa niua ang upuan bago pinaupo si Quinn. " Hmmm, huwag mo'ng pansinin Althea. Hayaan mo na ang dalawang 'yan! Tandaan mo maganda ka pa rin kaysa sa pinsan mo kaya behave gurl!" "Well, wala namang masama if we will join them right bessy? Isa pa, hindi ako papayag na ang araw ko lang ang sisirain nila dapat patas lang! Confident niyang sabi sabay tayo at lumapit sa table ng dalawa. Nagulat naman ang dalawa nang makita siya na nakangiti habang nakatayo sa harapan ng dalawa. "Hi guys, can we join you?" prangka niyang sabi habang tinititigan si Quinn. Tahimik lamang si Gab at nagtataka sa ginawa niya. Kinurot naman siya ni Jelai sa tagiliran. "Ate? Well sure.. Di ba Gab?" tila hindi komportableng saad ni Quinn. Hindi na niya hinintay pa na magsalita ang asawa. Umupo siya sa tabi nito at si Jelai ay sa tabi ni Quinn. "Tamang-tama gutom na rin kami ni Jelai." saad niya habang inaarko ang kilay kay Jelai na panay ang senyas sa kanya na umalis na lamang sila. "Well, what do you want to eat ladies?" Gab seriously asked. Kinuha niya ang menu mula sa kamay ni Gab. "Let me order for us sweetheart!" Sinenyas niya ang waiter. At madali naman itong tumungo sa direksyon nila. " Two platter rice, four bottomless iced tea,one beef brocolli for you Gab, braised beef, calamares, and buttered prawns!" saad niya sa waiter. " May additional pa ma'am? "tanong ng waiter. " Ow I forgot, huwag na lang pala ang hipon ayaw ko'ng mangati eh! Well, kainin mo na lang ang hipon Quinn ah? Mukhang sanay ka nang mangati? "saad niya habang nakangiti kay Quinn. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. " Well waiter okay lang pala ang prawns. Para sa kanya! "itinuro pa niya si Quinn na parang kamatis ang kulay ng mukha sa sinabi niya. " Don't make a scene here Althea Belle! " bulong sa kanya ni Gab. " Well, Gab don't you dare disrespect me infront of your mistress at baka mapahiya 'yan dito. Be an obedient husband Gab! Ten months na lang at pipirmahan ko na ang annulment natin at kung good boy ka baka next month pipirmahan ko na!" bulong niya rin dito. "Ma'am may additonal pa ba?!" nakatayo pa pala ang waiter at hinihintay ang order nila. "Wala na!" sagot ni Jelai "May soup ba kayo?" tanong ni Quinn sa waiter. " Quinn.. Huwag na ang soup please? Baka hindi ko mapipigilan ang sarili ko baka mabuhusan ko pa sa'yo!sarkastiko niyang wika. Kumamot naman ng ulo ang waiter at umalis na sa table nila. " Joke lang Quinn!" wika niya habang ngumingisi sa kanya. Nang binaling niya ang tingin kay Gab ay nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Nagpapahiwatig ito na hindi niya nagustuhan ang sinabi niya kay Quinn. Nang binaling ang tingin kay Jelai ay nakita niya ang pilyang ngiti nito na animo'y nagustuhan nito ang ginawa niya. Kung tutuusin nga eh, kulang pa ang mga salitang 'yon eh! Hindi biro ang ginawa nitong pang-agaw sa pinakamamahal niya. Mabuti nga at nakakapagtimpi pa siya dahil kung hindi ay baka nakaladkad na niya ang pinsan sa labas ng restaurant. Alas siete na ng gabi nang makarating sila ni Gab sa bahay. Sumama siya sa kotse ng asawa.Inutusan niya itong ihatid na muna si Quinn sa condo nito bago sila umuwi. Naligo muna siya dahil naiinitan siya sa suot kanina. Paglabas niya sa CR ay nakaupo si Gab sa kama nila at madilim ang mukhang nakatitig sa kanya. "I don't like what you did Althea!" "What? Hoy Gab, tigilan mo ang manenermon mo sa'kin ah? She deserves it. Habang asawa pa kita ay may karapatan ako'ng pahiyain siya dahil kabit lang siya. Well if you will break the deal between us Gab, ay habang buhay siyang magiging kabit!" Natahimik naman ito. " Ten months na lang Gab. Malapit na... After that you're a free man already. At maari mo na siyang pakasalan.Sana naman kahit sa kaunting panahon na hinihingi ko, ipakita mo naman na mabuti ka'ng asawa please! "she said while hugging him. She kiss him on his lips and he responded. Hindi nagtagal ay pumatong siya rito at ginawa ang bagay na makakaalis sa init na nararamdaman niya. Nakita niyang nakatulog na ito ng mahimbing. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi dahi kanina habang inaangkin siya nito ay pangalan niya ang sinasambit nito. " I hope Gab, one of this days, you will realize my importance. At sana kapag darating ang araw na'yon ay hindi pa ako pagod at ikaw pa rin ang isinisigaw ng puso ko!" bulong niya sa natutulog na asawa. "Minsan, gusto ko nang mapagod Gab. Pero sa tuwing iniisip ko ang pangako natin sa isa't isa sa harap ng altar ay pinipilit kong lumaban. Lalaban ako Gab, hanggang kaya ko pa..." ---------- Naging masunuring asawa naman sa kanya si Gab. Lagi na itong umuuwi sa bahay at hatid sundo rin siya nito sa university.Takot siguro na hindi niya pipirmahan ang annulment papers. Dalawang linggo na siyang nagtuturo sa Crimson University. Sophomore students ang tinuturuan niya at kabilang siya sa English Department. May mga naging kaibigan rin siya na English professor rin. Si Dina at Mercy. Napakadaldal ng dalawang kaibigan niya pero masaya naman siya dahil hindi boring kasama ang dalawa. Hindi na rin sila laging nag-aaway ni Gab.At gabi-gabi niya itong nilalandi. At successful naman siya dahil pinagbibigyan siya ng asawa. Sino ba naman ang hindi magpapaubaya sa ginagawa niya sa asawa niya. Daig pa niya ang GRO 'pag gabi. Chef sa umaga. Lagi niyang niluluto ang mga paborito nitong ulam. Todo alaga siya rito kaya naman ay bumagsak talaga ang katawan niya sa sobrang pag-aalaga sa asawa. Inaalagaan naman niya ito dati pero iba ang pag-aalaga niya ngayon dahil kulang na lang ay magsuot siya ng uniforme ng personal maid kapag nasa bahay ang asawa. At sa gabi naman ay energetic din siya sa kama. Papagurin niya ito para wala nang energy pagdating kay Quinn! Bwaaahhha, devil laugh! "Napakalandi mo gurl!Baka mabuntis ka n'yan" sigaw ni Jelai sa kabilang linya. Lunch break naman at naisipan niyang tawagan ito. "Sus bess. Syempre gusto ko rin namang paligayahin ang asawa ko. Hindi lang sa pagluluto, sa pag-aasikaso sa kanya at pati na rin sa.... kama!" " Tapos ano na? Sinabi ba niya sa'yo na ikaw na ang mahal niya at wala nang annulment ha?" "Well, malapit na!" "Shunga, asa!" "Tingnan mo lang girl baka lumuhod pa'yon sa harapan ko para sabihin na huwag na'kong pumirma!" "Hmmm, huwag mag-expect baka mabalian ka at masisisraan ka ng ulo n'yan!" "Bahala ka kung ayaw mong maniwala!" "Ay s'yanga pala bess. Susunduin kita mamaya diyan ah? Birthday ni Mama. Invited ka pala sorry nakalimutan ko'ng sabihin!" "Hay grabe bess! Sa lahat ng invited ako pa talaga ang kinalimutan mo? Sa bahay na lng bess.Change outfit muna ako mamaya!" "Oh sge, seven o'clock bess ha!" "S-sge bess.Chika na lang tayo later bye!" ------------ Black dress ang isinuot nya na hapit sa katawan at v-neck ito kaya mas na-enhance ang malaki niyang dibdib. Spaghetti type ito kaya mas lumitaw ang maputi at makinis niyang kutis na alagang Beauty Vault Kojic soap. Inayos din niya ang kilay niya at naglagay ng waterproof mascara na mas lalong nag-enhance sa kanyang magagandang mata. Ewan niya lang kung ano ang nakita ji Gab sa pinsan na wala sa kanya. Libog sa katawan siguro. Napakalandi din naman talaga ng babaeng 'yon. Tinext na lamang niya si Gab na pupunta siya sa birthday ng mama ni Jelai. At sinabi niyang huwag na siyang sunduin baka sa hotel ng kaibigan na rin siya matutulog. May-ari ng isang sikat na hotel sina Jelai at doon nagdidiwang ng kaarawan ang mama nito. At kapag kaarawan ng mama ng bestfriend ay sa hindi rin siya umuuwi dahil may sariling executive suite si Jelai at du'n sila natutulog. "Wow... Ang ganda ng bestfriend kong martyr at shunga pagdating sa asawa!" tukso ni Jelai. Sinundo siya nito sa bahay nila. Ngumiti siya sa kaibigan. "Ayaw kitang patulan bess baka papangit ako!" Nang dumating sa venue ay hindi niya inaasahan na marami palang bisita kumpara sa nakaraang taon. Siniko niya si Jelai. "Hoy bess, doble 'ata ang bisita niyo ah!" "Yes bess, maraming mga businessman dito. Nag-invest kasi si Mama sa isang bagong company kaya lahat na' ata ng kasamang investors ay andito." Lumapit sila sa mama ni Jelai na nakaupo sa gitna nag malaking stage. Mukhang busy ito dahil may kausap itong lalaki na nakatalikod sa kanila na may hawak na kopita ng wine. " Hi Tita, happy birthday! " " Wow, Althea Belle ang ganda mo pa rin iha!"wika ng Ginang. " Salamat Tita kayo rin naman po!" " By the way mga iha, Si Mr. Kenji Crimson Alcantara. Siya ang CEO ng bagong company na ininvest ko.My daughter Jelane at bestfriend niya si Althea Belle. "pagpapakilala ng mama ni Jelai. Siniko siya ni Jelai dahil nakatitig lang ang lalake sa kanya. Tiningnan naman niya ito. He is tall, masculine na parang alaga sa gym, Makapal ang kilay na bumagay sa mahahaba nitong pilik mata. Ang mga labi na natural na mamula-mula at ilong na perpektong inukit. In short, napakagwapo ng lalake at hindi niya ito type. Sa porma pa lamang nito ay mukhang may sampung nobya at may sampung puro panganay na anak. "Hello po sir Kenji!" narinig niyang bati ni Jelai. "Hi!" tipid niyang bati. Ngayon pa lang ay naiinis na siya lalake dahil panay ang tingin nito sa dibdib niya. "Halika ka na bess, upo na tayo!" hinila niya si Jelai papunta sa table na nireserba para sa kanila. May mga pangalan kasi sa bawat table na naroon. Tiningnan niya ulit ang lalake at nadismaya nang makitang wala na ito sa tabi ng mama ni Jelai. "Looking for someone?" nagulat siya nang marinig ang boses ng lalake mula sa likod niya. Nasa katabing mesa pala nila ito. Ngumiti lamang siya rito at walang alinlangang umirap. Ngumiti lamang ang lalake sa kanya. "Bess, type ka ata ni Mr. CEO!" bulong ni Jelai. "Tumahimik ka nga bess. Mukhang manyak 'yan. Isa pa tumigil ka nga hindi na' ko dalaga!" "Hmmm pirmahan mo na kasi bess. Mas pogi si sir Kenji oh! At mukhang daks!" Tumawa siya sa bessy. "Hoy Jelane... Tumahimik ka ha! Malapit na'ko'g mapikon sa'yo!" "Uuuuy! Affected siya... Ay ang daks talaga...!" narinig niyang sigaw ni Jelai haban g nakatingin kay Kenji. Napalingon siya at tiningnan ang sinasabi ni Jelai. Nakita niyang nakatayo si Kenji habang may kinakausap na lalake. Napatitig siya sa fitted black pants nito at nakita ang nakaumbok na bagay doon. Ipinikit at binuksan niya ulit ang kanyang mata. Oo nga, daks nga! "Confirmed bess, daks nga noh?" Tumango siya sa bessy. "Gaga, wala ka talagang magawa sa buhay Jelai!" natatawa niyang saas sa pinsan. "Are you done checking me out ladies?" kapwa silang nagulat nang magsalita si Kenji. Hindi sila nakapagsalita sa matinding hiya. Tanging palitan ng sipa sa baba ng lamesa ang ginawa nila. "By the way, my friend Josh.. Would you mind if we will join you?" "Sure po.. Feel free!" Natahimik sila nang magsimula na ang programa. May mga nagbigay ng birthday wishes. May video presentation din. May mga song and dance number din na inihanda ng mga pamangkin ng Ginang. Pagkatapos ng kainan ay sayawan na rin. May mga pares ang pumunta sa gitna ng dancefloor at sumayaw. Tanging iba't ibang kulay lamang ng ilaw ang makikita habang tinutugtig ang mga romantikong musika sa paligid. "MagCCR lang ako bess!" tumayo siya at dumiretso na sa CR. Nang lumabas sa CR ay parang itinulos siya sa kinatatayuan niya nang makita ang asawa at si Quinn na sumasayaw sa dance floor. Nakahawak ito sa baywang ni Quinn at ang babae naman ay parang pabebe dahil nakayakap pa sa asawa at ang ulo ay nasa dibdib nito habang nakapikit ang mga mata. Biglang tumayo ang mga balahibo niya at parang lumabas ang sungay ni maleficent sa ulo niya. Susugurin talaga niya ang dalawa at dila lang ang hindi bugbog sa katawan ng babaeng 'yon. Napahinto siya nang may humawak sa braso niya. "Hmmm, lady parang masama' ata ang tingin mo sa mag-asawa ah!" Si kenji. "Mag-asawa?" tanong niya rito. "Yeah, Mr. Matt Gabby Montefalco and Mrs. Quinn Montefalco. Kilala ko sila.Mr. Montefalco invested on my company last month. And silang dalawa ang pumunta sa company ko." "Well, bakit ka galit sa mag-asawa? Girlfriend ka ba niya?" usisa nito. "What? Girlfriend?" Isang mapaklang tawa ang pinakawalan niya. "Hoy bess.. Kanina pa kita hinahanap kasama mo lang pala si Mr. Daks este si Mr. Kenji pala!" Natawa siya sa sinabi ng bff niya. "Mr. Daks? Anu 'yon? Nalilitong tanong ni Kenji. " Daks... Ahm.. Dakila for short. Dakilang CEO! " " Ahhhh, I like it! "inosenteng saad nito. Napatawa naman silang dalawa. " Well, Althea Belle... Pwede ka bang isayaw ni Mr. Daks? " Muntik na siyang tumawa sa sinabi nito. Well why not di ba? Wala na ang dalawang traydor sa dancefloor kaya pinagbigyan niya si Kenji. " Well, Althea I want to know more about you!" wika ni Kenji habang nakahawak sa beywang niya at ang mga kamay niya ay nakagapos sa leeg nito. Naaamoy niya ang mabango nitong hininga at mamahaling perfume. "Huwag na, mabobore ka lang!" pilya niyang sagot rito. "Naughty lady! I like you Althea!" "Well, hindi kita type Mr. Daks! And I'm sure you will hate when you'll get to know me!" "Hmmm.. Are you challenging me?" "No, I just don't like you. Mukha kang playboy na may sampung girlfriend at mukhang may sampung anak ka na puro panganay!" Nagulat siya nang tumawa ito sa kanya. " Gusto kitang halikan baby!" "Subukan mo kung ayaw mong dumugo 'yang bibig mo!" "I' m just kiddin' Althea. But I like you so much!" Hindi na niya ito pinansin bigla niyang inihilig ang ulo sa dibdib nito nang makita ang asawa at si Quinn na nasa tabi nila. Hindi lang talaga maaninag ang mga mukha nila dahil sa dim light at dahil sumasayaw ang iba't ibang kulay ng lights. Hinimas din nito ang buhok niya. "Ang bango mo baby!" wika nito sa kanya. Pinagbigyan niya ang paghimas nito sa buhok niya dahil ayaw niyang makita ang asawa at ang pinsan niya na kulang na lamang ay langgamin siya. Nang tumingin siya ulit sa direksyon ng mga ito ay naghahalikan na ang dalawa. Mas masakit ang makita mong naghahalikan sa mismo mong harapan ang iyong mahal at ang pinili nito. Okay na sana sa kanya na sinasabi nito na may mahal na siyang iba. Kakayanin niya pa. Pero kapag makita mo talaga na harap harapan kang niloloko ay parang gusto mo na lamang mamatay. "Do you really like me Kenji?" tanong niya sa lalake. Pansin niya ang nagbabadyang mga luha sa mata. "Yes, Althea...." Hindi na nito itinuloy ang sasabihin nito dahil siya na mismo ang humalik sa lalake. Bahala na.. Sa oras na ito, ang tanging gusto niya ay makalimutan ang sakit na nararamdaman. Ramdam niya ang malalambot na labi ng binata. Kinagat pa nito ang pang-ibabang labi niya dahil siguro sa kasabikan. Aminado siya, masarap humalik ang lalake.Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap sa leeg nito at naging mas mapusok ang kanilang halikan. Damang-dama niya ang kakaibang ligayang hatid ng halik na'yon. Parang nakakaadik at nawala sa isip niya ang dalawang tao na gulat na gulat habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Kenji. Wala siyang balak itigil ang halik na'yon at gan'un rin siguro ang lalake. Napatili siya nang biglang may humablot sa kamay niya at dali-dali siyang inilayo sa lugar na'yon at dinala sa kotse nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD