Kabanata 34

1247 Words

“Hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo, Rachell? Maulan pa naman ngayon at tumataas na ang tubig. Baka mahirapan ka n’yan makauwi,” nag-aalalang sambit ng katrabaho ni Rachell habang nakasilong pa sa labasan ng kompanya nila. Nabalita na kasi kagabi na magiging maulan sa buong Maynila dahil na rin sa bagyong hindi pa nakakapasok sa PAR ngunit nagdudulot na ng malakas na ulan. “Ang sabi niya ay darating siya, eh. So it’s okay. Mauna ka na,” nakangiting wika ni Rachell at hinigpitan ang yakap sa folder na nasa dibdib. “Sigurado ka, ah? I can send you along the way naman.” Tumango si Rachell at nagsimula nang maglakad papuntang parking lot ang babae. Napatingin sa makulimlim at madlim na kalangitan si Rachell. Madlim na kahit alas sais pa lamang at ang lakas ng bagsak ng ulan. Her phone v

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD