“Sa una lang ‘yan, Rachell,” komento ng katrabaho ng dalaga sa pinapasukan ngayon nito. Napangiti siya at napailing na lang. Siguro ay dahil kanina pa siya nakangiti simula nang pumasok siya ng trabaho the day after tomorrow. Nang nagkaaminan silang dalawa ni Lorenzo ay nag-stay pa ng ilang minuto ang binata sa apartment niya at nag-kwentuhan sila bago niya ito pinauwi. “Love life ‘yan, ‘no? Iba kasi ang ngiti mo ngayon. Nako! Ingat-ingat tayo sa mga lalaki. Pare-pareho sila,” naiiling na dagdag nito at bumalik sa ginagawa. “Sus! Niloko ka lang tingin mo na sa lahat ng lalaki manloloko?” singit naman ng lalaking katrabaho niya na may dalang rim ng bond paper. “Tama naman siya,” pagsang-ayon ni Raachell sa lalaki. “Don’t generalize them. Iba naman sila, eh. Kaya nga dapat you should know

