Kumalas as pagkakayap si Lorenzo at tiningnan si Rachell kung totoo ba ang sinabi nito. Did he hear it right? She’s going back to New York? Lumukob sa kanya ang pag-panic “You’re going back? Dahil ba ito sa mga nagawa ko? Baby, promise hindi ko na uulitin iyon. Why don’t we talk about it? Akala ko okay na sa’yo ang magtrabaho dito?” Umiling si Rachell at ngumiti. “I can’t stay here for such a long time. Tapos na ang kontrata ko dito and I need to go back. Hindi ko naman pwede iwanan iyon dahil nandoon talaga ang trabaho ko,” paliwanag ni Rachell at humakbang paatras para magkaroon sila ng space. “How about us?” “Us? Hindi ko alam, Lorenzo. Hindi naman ako naghahangad na sa akin ang buong atensyon mo pero nawawalan na tayo ng time para sa isa’t-isa. I need time just for the two of us k

