“Miss Victoria?” tawag ni Rachell sa babaeng nakatalikod sa kanya habang nakaupo sa isa sa mga table sa cafeteria ng kompanya. Napalingon sa kanya si Victoria at umupo siya sa harap nito. “Miss Rachell Atienza? Wow. I never thought that you’ll be this pretty.” Hindi alam ni Rachell kung compliment ba ‘yon o ano ngunit ginawaran niya na lang ito ng ngiti. “Well, a lot in this firm is pretty,” naisagot ni Rachell sa dalaga. “I’m happy that you liked the design we made for you, Miss Victoria.” Ngumiti si Victoria at tinitigan ang dalaga. Sa unang tingin ay akala niya ay baguhan ito dahil para itong isang fresh graduate but looking at her this close, there is something noble about her aura. Tipong mga young ladies ng isang respected and wealthy family. Isa pa amoy na amoy niya ang pabango

