LIANE "Denver! Gising na.." Malakas na gising ko sa kapatid kong tulog mantika. Kanina ko pa s'ya ginising bago ako maligo pero ang bruho, hindi pa din gising! Tapos na ako maligo lahat lahat. "Ver! Gising na. Iiwan kita," gising ko dito sabay yugyug ng unti. Nakita kong gumalaw s'ya at dumilat na parang nasa alapaap pa 'ska tumingin sa akin. "Saan ka punta? Sama ako," bungad n'ya habang dahan dahang umuupo. Nabatulan ko naman s'ya ng mahina at piningot. "Ngayon tayo aalis 'di ba? Dahil kasal nila Kim at sasama ka nga! Kaya naman bilisa mo na at maligo! Nakakahiya kay Kuya Daniel mo na pag iintayin mo," saad ko dito kaya naman napaayos s'ya ng upo. Nag unat lang saglit at tumayo na tapos mabilis na lumabas para makaligo. Napailing na lang ako at inayos ung mga gamit naming dadalh

