Keziah's PoV: "I miss you too Penelope." Agad na rumehistro ang gulat sa kanyang mukha. Halatang hindi nya ineexpect ang sasabihin ko. While me, hindi ko alam kung magsisisi ba ako o hindi na sinabi ko ang mga katagang yun. Ngayon lang nagsink-in sa akin ang sinabi ko. Damn. I'm not using my mind. Ayokong marining muli kay Penelope na: Nasabi lang natin yun dahil nadala tayo ng mga emosyon natin. "What? Is that true?" Tanong nya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanyang isipan. Mahirap syang basahin. Nagsimulang magpanic ang buong sistema ko. Parang hindi na gumagana ng maayos ang aking isipan. Pero isa lang ang sigurado ko ngayon. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na to. I'm afraid of confrontation and rejection. Baka kung saan pa to mapunta. I don't want to get hurt. Mataman

