While waiting for Chaos, Chase kept herself busy getting ready. She kept checking everything again and again, making sure she hadn’t forgotten or left anything behind, especially since her personal assistant wasn’t there to remind and help her.
Chase has warm brown skin that glows under the soft morning light, her long black wavy hair falls freely on her shoulders and her dark brown eyes are sharp and observant.
Chase stood in front of the mirror, tahimik ang paligid, tanging mahihinang tunog lang ng mga ibon at ugong ng hangin ang maririnig mula sa labas ng kaniyang bahay. Bahagya siyang lumapit sa salamin, mas pinagmamasdan ang kaniyang sarili at dahan dahan niyang inayos ang kaniyang buhok, hinawi niya ito sa isang side, tapos bahagyang tinali ulit nang maluwag, letting a few strands fall naturally sa gilid ng mukha niya. Messy but it looks really natural.
Inaayos ni Chase ang suot niya, isang all black office outfit na simple pero may malakas ang dating. Suot niya ang fitted black blazer na maayos ang structure, na nagbibigay ng strong at clean silhouette sa katawan niya. Bahagya niyang hinila pababa ang manggas, sinisigurong pantay ang haba, at pinadaan niya ang kaniyang kamay sa gilid ng blazer para alisin ang kahit anong crease. She hates it everytime may gusot sa kaniyang suot. Hindi rin ito fully naka closed, kaya may konting openness sa harap na nagbibigay ng subtle confidence, hindi revealing pero hindi rin stiff tignan. Enough lang para mag mukhang classy and elegant.
Sa kaniyang pang ibaba, suot niya ang high waisted black pants na perfectly tailored sa katawan niya. Na para bang sukat na sukat habang bahagya siyang umiikot sa harap ng salamin, kitang kita kung paano sumunod ang tela sa galaw niya, smooth at controlled, parang may sarili itong buhay. Yung fit ng kanitang suot na damit sa waist at hips niya ay sakto lang, hindi masikip pero hindi rin maluwag, then pababa ay nagiging mas relaxed at may konting flare sa dulo. It's really her style.
Napatingin siya sa sarili niyang mga paa, naka suot siya ng black pointed heels na nagbibigay ng dagdag na height at presence niya. Dahan dahan siyang nag shift ng weight mula kaliwa papuntang kanan, tinitingnan kung gaano siya ka steady. Hindi siya nagmamadali, halatang sanay na sanay na ang katawan niya sa ganitong klase ng sapatos. Yung tunog ng heels niya sa tuwing lalakad siya ay mas nakakadagdag sa confidence na mayroon siya.
Saglit na yumuko si Chase para ayusin ang ilalim ng pants, sinisiguradong maayos ang bagsak nito sa ibabaw ng sapatos. Tumayo siya ulit nang diretso, inayos ang postura, shoulders back, chin slightly up, hindi pilit pero natural na dignified.
Sa gilid ng salamin ay may maliit na lamesa kung saan kinuha niya ang maliit niyang structured black bag. Binuksan niya ito saglit, chineck kung kumpleto ang laman, phone, wallet, ilang essentials, saka niya ito isinara ulit nang maayos. Hinawakan niya ito sandali bago isinabit sa braso, parang kinukumpleto niya ang sarili niyang armor bago lumabas.
“Outfit check.” She let out a soft laugh, quietly whispering to herself as a small smile formed on her lips.
Yung earrings niya naman ay mahaba at sa tuwing gagalaw siya ay tila ba sumusunod ito. Hindi siya naglalagay ng sobra sobrang accessories, sapat na sa kanya yung simple dahil kaya naman niya itong dalhin.
Muling tumingin si Chase sa harap ng salamin, mas matagal na ngayon kumpara sa kanina. She wasn’t just checking if her outfit looked right, she seemed to be silently talking to herself, as if the quiet moment gave her space to gather her thoughts and steady herself.
Dahan dahan siyang huminga nang malalim, pinakalma ang sarili, tapos bahagyang ngumiti, hindi malaki pero totoo. Isang maliit na paalala sa sarili na kaya niya.
“You ready?” Biglang tanong ni Chaos dahilan para magulat siya.
“What the freak?!” Gulat na sigaw ni Chase.
“Paano ka nakapasok?” Takang dagdag ni Chase.
“I have my own keys.” Chaos let out a light laugh as he responded, casually twirling the key to Chase’s house around his fingers.
Tumalikod nang tuluyan si Chase mula sa salamin at sumunod na kay Chaos palabas ng kaniyang bahay.
“You're late.” Mataray ngunit pabirong sambit ni Chase kay Chaos after niya makapasok sa sasakyan ni Chaos.
“Ang mahalaga, nandito na ko.” Kumakamot ulong sambit ni Chaos, halata namang na-late siya ng gising dahil magulo pa ang kaniyang buhok at mukhang kakaligo lang, hindi naka ayos ang necktie at pati na rin ang blazer na suot niya ay gusot gusot at hindi pa pantay.
“You seem quiet,” Chaos asked curiously as he looked at Chase, who was seriously staring at the road with her arms crossed.
“What's bothering you?” Dagdag pa ni Chaos dahilan para mapanguso si Chase.
“You woke up late. Admit it,” Chase said irritably, turning slightly toward Chaos while he stayed focused on the road, still driving.
“Yeah, I'm sorry.” Tumatawang sambit ni Chaos.
“Drive slowly, maaga pa naman. I'm not mad.” Seryosong sambit ni Chase kaya tumango naman si Chaos ng bahagya.
“Did you eat breakfast?” Tanong ni Chase kay Chaos.
“No.” Mabilis na sagot ni Chaos dahilan para mapa irap si Chase.
“Let's eat in the office. I'll fix your clothes also. I'm bothered sa suot mo.” Reklamo ni Chase na ikinatawa naman ng bahagya ni Chaos.
“Alright, madam.” Tumatawang sambit nito at hindi na muling nagsalita pa.
Nang makarating silang dalawa sa opisina ay agad na pinagbuksan ni Chaos ng pintuan si Chase at kinuha ang kaniyang bag upang bitbitin.
“Wait,” Chase suddenly said as Chaos was about to walk away, making him pause and turn back to look at her.
“Why?” Takang tanong ni Chaos at saka bumalik papalapit kay Chase.
“I'll fix your clothes. You mor.on.” Naiinis na sambit ni Chase na ikinangisi ni Chaos.
Marahan ang pag galaw ni Chase, sinisiguradong maayos niya ng mabuti ang damit ni Chaos mula sa mga gusot sa braso ng kaniyang blazer, sa hindi maayos na collar at sa necktie ni Chaos na nakabuhol lang.
“Up until now hindi ka marunong mag ayos ng necktie mo. Dapat sa'yo bow tie e.” Tumatawang sambit ni Chase.
“Ano ako? Bata? Waiter?” Chaos frowned a little and let out a soft complaint, nakanguso ang kaniyang labi as he looked at Chase, clearly not impressed but still staying where he was.
“Besides, nandiyan ka naman para ayusin ang necktie ko.” Tumatawang dagdag ni Chaos dahilan para mapa irap si Chase.
“Ewan ko sa'yo.” Tugon niya at hindi na hinintay pa kung magsasalita si Chaos dahil lumakad na siya papasok sa building.
“Good morning, where's Danzel and Charlotte?” Nakangiting bungad ni Chase sa guard.
“Nasa office po nila.” Magalang na sambit ng guard kaya tumango naman si Chase habang si Chaos ay bahagyang nagpasalamat at bumati.
“Puntahan muna natin sila before we eat.” Sambit ni Chase at tumango lamang si Chaos. Bawal umangal dahil alam niyang bothered pa rin si Chase sakanya.
“Ang aga aga labidabs nanaman kayo sa parking lot.” Taas kilay na sambit ni Charlotte nang makapasok si Chase sa loob ng opisina nilang apat.
“Inayos ko lang suot niya, nakakainis kagulo. Parang bata.” Reklamo ni Chase na ikinatawa ng bahagya ni Charlotte.
“You two look cute together. Sure na ba hanggang friends lang?” Charlotte teased with a playful smile, while looking at Chase, whose eyebrows were slightly pulled together in confusion.
“Baliw ka, ang aga aga.” Reklamo ni Chase sabay irap.
“Kakain kami breakfast ni Chaos, gusto mo bang sumama?” Pag aaya ni Chase kay Charlotte.
“Kung hindi libre, no, nakakain na ko breakfast.” Tumatawang tugon ni Charlotte.
“Kayaman yaman, puro libre lumalabas sa bibig.” Mataray ba sambit ni Chase.
“Pikon, hanggat di kayo nagkaka partner mananatiling matatag ang ship ko.” Charlotte laughed again sa kaniyang pang aasar, which only made Chase more annoyed.
Chase cursed under her breath in frustration before finally walking away without another word. At saka niya hinanap si Chaos sa kung saang lupalop ng building man ito nag punta.
“I'm at the parking lot, where the hell are you?” Bungad ni Chase sa kaniyang cellphone matapos sagutin ni Chaos ang kaniyang tawag.
“I'm with Danzel, we're just talking. Akala ko nasa office ka pa. I'm on my way there.” Sambit ni Chaos at saka pinatay ang call.
Chase leaned slightly against the hood of Chaos’s car, casually placing her shades on top of her head. Habang nililibang ang kaniyang sarili sa kaniyang cellphone while waiting for Chaos to come down from their office..