LD2: XXIV TORRENCE'S POV “Hahaha. Fiance pala ni Mr. President huh. ang sabihin mo fiance ng driver." Narinig kong sabi nung nasa may lobby. “Manang, pabili nga ng kakanin dyan. Ano bang tinda mo?" sabi naman nung isa pang bruha. Akala mo naman sino silang magaganda. “Eh kung kayo kaya ang gawin kong mga tindera ng kakanin ha? Kung makapanlait kayo akala nyo mayayaman kayo! Hoy mga katulad lang namin ang pwedeng mangmaliit ng tao!! Mga hampas lupang 'to!! General ang tatay ng niloloko nyong babae at judge ang nanay nyan. Lawyer naman ang kuya nya, number one dito sa'ten!! Di lang kayo pinapatulan nyan dahil tinatandaan nya ang mga mukha nyo." biglang nawala ang boses nagsasalita. ”At oo nga pala, serial killer ang bunso nyang kapatid, ingat kayo paguwi

