LD2: XXII TORRENCE'S POV “Sobrang hirap talagang makuha ng project na yun. Madami ng nagtry but they failed. Nawalan na nga ako ng pag-asa pero nag-intay ako. Ayun nakuha ko yung project!!" masayang kwento ni Cliff habang kumakain kami sa resto. “Sorry na, wag ka nang magalit please." “Di naman ako galit. Two hours lang naman akong nag-intay sa'yo at nagtiis ng gutom. So okay lang, kasi nandito ka na." malumanay kong sagot. Nakakainis kasi, sana man lang nagtext sya. Pero okay lang, masaya naman sya sa mga kwento nya. Matatapos na nga kaming kumain puro work pa rin ang sinasabi nya. Ako naman kunyari suppportive gf todo listen lang. “Great. Alam ko namang understanding ka." Sus kaya naman inaabuso nya. “At alam mo bang tuwang-tuwa si grandma dun sa anak nung pr

