[LD2: X] TORRENCE’S POV May sakit si papa ngayon at gusto ko syang alagaan. Kaya lang ngayon din ang engagement party ni Penelope. Nagpromise pa mandin ako sa kanya na pupunta na ako talaga. Dati medyo gusto ko kasi umaasa akong si Tonsi ang boyfriend nya but after kong makita kung sino yung boyfriend nya dun sa coffee shop para kunin yung dress nawalan na ako ng gana. Bakit ko pa ba iintindihin ang taong matagal ng nawala? Si Cliff na ang boyfriend ko ngayon at sya na lang. “Anak anong iniisip mo?” nakita kong gising na pala si papa. Nilalagnat lang naman sya pero kasi nagwoworry ako masyado. Ayaw naman nyang magpadala sa hospital dahil gastos lang daw yun. “Wala pa. Iniisip ko lang kung anong mangyayari sa’kin sa future.” Kumuha ako ng apple sa table at binalatan ko.

